K A B A N A T A 59: Kung kanina ay kalmado ako dahil sa mga painting na nakita ko ay ngayon ay parang gusto ko na lang lumabas bigla ng boutique shop. Grimore looked at me, then looked up at Spade, who was wearing a leather jacket and jeans. Tinaasan niya ako ng kilay, seryoso na ang kanyang mukha animong nagdududa pa bago tumingin ulit kay Spade. Sandali silang naglaban ng tingin, naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. I am loading because what happened. . . what the hell? Spade sighed and looked away as if nothing had just happened. Tumingin siya sa mga painting sa harapan at nagkunwaring abala sa pagtingin doon ng mga detalye. Hindi ako kaagad nakabawi sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan na nandito pa rin si Spade dahil ang huli ko ngang tawag doon ay hindi pa siya nakak

