K A B A N A T A 66: Kapos ang aking hininga habang naglalakad pabalik sa kubo. Everything is blurred. I don't think if it was true or not, but maybe I am just wishing that I hadn't done that. I didn't kiss him back. Maski ako ay nagulat sa aking ginawa, dahil alam kong hindi ko dapat iyon ginawa. Hindi matagal, hindi rin malalim ang halik na iyon. Maingat ang bawat dampi at kahit wala na ako sa loob ng kotse ay pakiramdam ko ay ramdam ko pa rin ang kanyang labi. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itulak siya at lumabas ng kotse. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi ko mamalayan dahilan. Mabibilis ang aking hakbang hanggang tuluyan makarating sa kubo, tumambad sa akin si Grimore na nagsu

