K A B A N A T A 48: Napasinghap ako habang nakatingin kay Spade na naglalakad papunta sa aking gawi habang buhat gamit ang kanan niyang kamay si Arki, malalaking hakbang ko silang nilapitan at sinalubong. Walang kahirap-hirap niyang buhat ang aking anak na mukhang hindi man lang nakaramdam ng takot kahit na karga siya ng isang tao na hindi naman nga niya kilala at paniguradong hindi pa niya nakikita sa talang buhay niya. Nagtama ang mata namin ni Spade, gumalaw ang aking panga dahil sa ginawa niya. I can't believe this man! Hindi ko siya inutusan na magpakita sa aking anak at mas lalong wala akong inutos na pumunta siya rito. Nag-iisip pa ba siya ng tama? Malamang hindi na, dahil kung oo ay wala siya rito at hindi sinisira ang plano ko. Nang mas malapitan ko sila ay roon ko nakitang w

