K A B A N A T A 79: I remembered what Manang said to me once. She said this after I told her about my sudden marriage. 'Napapasaya ka ba niya? Mapapasaya ka ba niya sa mga dadaan pang taon?' And I remember myself answering yes proudly, because I thought I would, but if Manang could see me now, she would say 'Hindi ba sinabi ko na sa'yo, huwag kang padalos-dalos.' Hindi ko maiwasan maiyak habang nasa teresa ng aking kwarto, anumang oras ay aalis na kami, hinihintay ko na lang ang signal nila para bumiyahe na kami. Simula kaninang umaga ay hindi ako mapakali, nagngingitngit sa galit ang aking kalamnan, kahit gustuhin ko man puntahan ulit si Arki ay hindi ko magawa dahil baka masigawan ko siya sa dami ng iniisip ko, natatakot akong sa kanya ko mabunton ang galit ko ngayon araw. Madilim na

