K A B A N A T A 95: "Natagalan ka ata," mahinang sabi niya. "Akala ko hindi... hindi ka lalapit sa akin. Ang tagal ng bakasyon mo." Sandali siyang tumahimik, kinagat ko ang aking ibabang labi. "Sabihin mo kung anong mga kailangan mo, ipapadala ko kaagad . . . anak . . ." Sinabi ko kay Daddy lahat ng aking plano, bago pa ako lumuwas pa Manila ay nakaplano na lahat sa sa aking isip. Una, I need to check who's behind the incident years ago. Bago ko lumaban ay dapat ay alam ko kung sino ang aking kalaban. Kaya naman nang araw rin na iyon ay kaagad akong lumilos, nang magising sila ay nagpatawag ako ng meeting habang nasa kanyang kwarto si Arki. Nakaupo ako sa isahan sofa, sa isahang sofa rin sa gilid ay nakaupo si Heart, sa armrest nito ay nandoon nakaupo si Pawn. Sa mahabang sofa ay magka

