K A B A N A T A 33: Natahimik na pinapanuod ko si Grimore habang nagluluto ng pasta. Kung halughugin niya ang aking kusina ay akala mong pag-aari niya ito at ang lahat ng nandoon, para bang nasa sarili niya siyang pamamahay. He moved so smoothly, as if he knew what he was doing. Noong nakaraan ay nakauwi na kami galing sa hotel. Halos ihampas ko ang aking ulo pagkagising ko noon, sinabi ko pang hindi ako makakatulog, na hindi ako kampante na kasama siya pero pagkapikit ko ay sunod na dilat ko ay umaga na. At kagaya nga ng sinabi niya noong gabi ay naayos na ang kotse kinabukasan, hindi na ako umimik hanggang makauwi kami. Pakiramdam ko ba ay trinaydor ako ng aking sarili, naiinis akong isipin ang bagay na iyon. Lumayo ako sa kanya pagkatapos ng araw na iyob, na naman, lumayo ulit ako

