K A B A N A T A 70: The party never happened. Tahimik ang bahay nang sumapit ang gabi, napakain ko na si Arki ng kanyang dinner at nalinisan na rin ng katawan habang nakikiramdam ako sa mga nangyayarin sa mansyon na ito. Walang party na naganap o handaan katulad ng inaasahan ko. Wala rin ang mga kaibigan ni Grim at Cynthia, hindi ako sigurado kung kaibigan ba nila iyon o kakilala ni Uno. I got curious about what Arki told me earlier. Hindi nagsisinungaling ang bata, alam kong totoo ang sinabi niya kanina, na totoo kung ano man ang nakita niya. Unti-unti kong napagtatagpi lahat isa-isa, ang pag-utos sa akin na umalis kasama si Manang upang mamalengke, ang paghihiwalay namin ni Manang sa biyahe, ang pag-utos kay Ron na umalis muna ng mansyon. Parang lahat nakaplano, ang hindi ko maintin

