"May fiancèe si Quentin?" tanong ni Clementine kay Jimena. Nagkibit balikat si Jimena sa kaniya. "May mga usap-usapan po, Ma'am. Nadulas daw sa bar iyong isa sa mga matalik na kaibigan ni Sir." sabi pa nito. Tumango si Clementine. Lumiko sila papasok sa kanilang opisina. “Hindi niyo ba alam, Ma’am? Hindi ba step-siblings kayo?” usisa ni Jimena sa kaniya. Umiling si Clementine. “Hindi. Umalis na ako sa bahay noon. And I intend not to hear unnecessary things kasi busy ako sa pag-aaral at trabaho noon sa Davao.” she admitted. Ngumiti si Jimena dahil naramdaman na medyo may kakaibang ibig sabihin si Clementine roon. If Frances is his fiancèe, then it must be a dream come true for her. Maayos ang relasyon nilang dalawa noong umalis siya sa San Lucas. And they're friends, so she will be

