Kabanata 27 — Sane and Clearly

2549 Words
Clementine did not have the energy to go out for dinner. Hindi na nag-abala pa si Manang na tawagin siya dahil wala rin naman si Don Wilfredo. “Senyorita,” tawag ni Melba na kumakatok sa pintuan. Pinagbuksan niya ang kasambahay at tiningnan ito. Ngumiti si Melba at pinakita ang tray ng pagkain. “Pinapadala po ni Sir Quentin para makakain kayo ng hapunan.” tipid na sabi nito. Umiling siya at tinaasan ng kilay ang kasambahay. “Hindi ako kakain, Melba. Pakibaba na ang pagkain na ‘yan.” sabi niya. “Pero Senyorita utos po ito ni Sir Quen—“ “Sino ba ang dapat na masunod sa bahay na ito, Melba? Sino ba ang anak ng may-ari? Ako o siya?” tanong niya, naiirita na. Namutla si Melba at kinagat ang ibabang labi. “K-Kayo po, S-Senyorita.” sagot nito. “Iyon naman pala eh? Ibaba mo na ‘yan. Ipakain mo sa aso or itapon mo. The hell I care,” aniya at padabog na sinara ang pintuan. Narinig niya ang mga hakbang ni Melba sa hardwood floor na papalayo na sa kuwarto niya. Nahiga na lamang siya sa kama at pumikit. Nagagalit siya sa sarili dahil hinayaan niya ang nangyari kanina. She should've slapped him. Para siyang pinahiya ni Quentin kahit wala namang nakakita sa ginawang iyon ni Quentin Blanco. Napagod na ang isip niya at mabilis na nakatulog. Nagising na lang siya kinabukasan dahil sa pagkatok ni Manang. “Hija, hinihintay ka ni Quentin sa baba para sa tanghalian. Pupunta raw kayo sa bukid para sa pag-aani?” tanong ni Manang mula sa pintuan. Tiningnan ni Clementine ang relo sa tabihan ng kama. Pasado ala-una na ng hapon. “Masama ang pakiramdam ko, Manang,” she said at binalutan ang sarili ng comforter, “Pakisabi hindi ako sasama sa kaniya.” “Paano na masama? May sakit ka ba?” tanong ni Manang. “Buksan mo nga itong pintuan na bata ka.” “I am a little bit sick but I am fine, Manang. I am just gonna sleep more then I will be fine,” aniya. “Oh, sige. May lakad kami ni Angela ngayon sa bayan kaya maiiwan muna kita. Nandiyan naman si Melba at Isay, kapag may kailangan ka. Papaakyatan kita ng gamot.” sabi ni Manang. Clementine fell silent. Hinayaan na lang niya si Manang. Ngayon lang naging ganito katahimik ang buhay niya. Hindi niya akalain na aabot talaga sa puntong wala siyang makakausap. Bumangon siya at binuksan ang bintana. Malamig ang simoy ng hangin kahit pa tanghali na. Dumungaw siya sa labas ng mansiyon. Wala na roon ang sasakyan ni Quentin, siguro ay umalis na. Mabuti na rin at hindi siya kinulit ni Manang para sumama. Ganoon din si Quentin. Siguro kung may choice nga lang ito na hindi siya isama, hindi talaga siya isasama ng binata. Linggo pero mag-aani sila sa bukid. If that kiss did not happened, sana ay naroon siya. Hinawakan ni Clementine ang labi. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang inasal ni Quentin sa kaniya. Talaga bang nakakadiri ako na halikan? Umismid siya. Ilang saglit pa siyang tumingin doon bago na-bored. Humarap si Clementine sa salamin. Ilang buwan na ba siya simula ng pumunta siya sa salon? Magtatatlong buwan na siya rito sa Pilipinas. She got darker skin because she’s working at the hacienda pero hindi naman nakakabawas iyon sa kaniyang ganda. Tiningnan ni Clementine ang katawan. She gained a little bit weight. Siguro ay dahil hindi na siya regularly nakakapag-exercise. Kaya naman noong araw na iyon ay napagpasiyahan niyang tumakbo para pawisan. Maraming puno sa hacienda kaya kahit tanghaling tapat ay hindi siya ganoong maiinitan. She searched her running clothes. Hindi na siya nag-abala pang kumain dahil hindi naman siya nagugutom. Plus, she will jog so it is not advisable to eat before running. Nagbihis siya ng running shorts at sports bra. Today, she will sure to burn all the calories she gained. Kailangan slim at fit pa rin siya. Kinuha niya ang rubber shoes, dahil hindi naman ganoon kalala ang sprain niya, she’s now okay to be in her best shape to run. Bumaba siya nang hagdanan. Napatingin sa kaniya si Isay na nagwawalis. “Senyorita, maghahanda po ba ako ng kakainin niyo?” tanong niya at tumigil sa pagwawalis para harapin siya. “No. I will jog naman, Isay.” she answered and give Isay a tumble, “Fill this with water na lang.” Tumango si Isay at pumunta sa kusina. Nag-stretching si Clementien habang hinihintay si Isay. Tumango siya at bumaba na sa porch. She decided to run on the hacienda’s trails. She started fast so she can sweat so much. Sa tuwing napapagod, humihina ang takbo. Diretso ang ruta niya. She can go back naman since straight lang iyon. But when she reached the end, may dalawang kanto iyon. Unlike before, maraming liko iyon. But she decided to go anyway. Maaga pa naman at mamaya uuwi na rin siya. She started to run again. Marami ang bumabagabag sa sarili niya kaya tuloy lang ang pagtakbo niya. She was panting when she decided to stop and take a little rest. Nilingon ni Clementine ang paligid. Hindi pa siya nakakarating sa parteng ito. Maraming kawayan doon at mas matataas ang d**o. Pagkatapos nang limang minuto ay nagpasiya na ulit siyang tumakbo. She’s sweating so hard. Takbo lang siya nang takbo roon. Tiningnan niya ang relong dala. It’s been two hours. Mag-aalas tres na rin ng hapon. Lumunok siya at uminom ng tubig. She started to walk back to the mansion. Natigil na lang siya sa gitna nang dalawang intersection. “Oh, hell no.” bulong niya habang nakatingin sa dalawang daan. She’s sure na dumaan na siya rito pero hindi niya matandaan kung saan siya dumaan. She sighed when she realised na hindi na niya matandaan ang daan niya pabalik. Gusto niyang magmura dahil wala siyang cellphone. Naglakad siya papunta sa kanan. Diretso lang ang lakad niya. She thought that she should walk until she can see a worker and ask them the way to go home. Tatlumpung minuto na pero wala siya ni isang trabahador na makita sa paligid. Napansin din niya na nawala na ang buhol ng tali ng kaniyang sapatos. Hindi naman gaanong nakakatakot. Umupo siya sa isa sa mga putol na puno para itali ang sapatos nang may marinig siyang humaharok sa hindi kalayuan. Nilingon niya ang pinanggagalingan ng tunog at napahiyaw siya nang nakita ang isang ligaw na baboy ramo na tumatakbo papunta sa kaniya. “What the?” aniya at mabilis na tumakbo. Her adrenaline rose dahil sa takot. Mukhang galit na galit ang baboy ramo at gusto na siyang atakehin. “Help!” she called pero imposible ata iyon kasi wala namang tao sa parteng iyon. Lumiko liko si Clementine pero hindi nawawala ang atensiyong ng baboy d**o sa kaniya. She slipped the mud na dahilan kung bakita nasugatan ang hita niya ng isa sa mga sanga mula sa putol na puno. Nawalan siya ng balanse kaya nahulog siya sa mababang hukay. Tumigil sa paghabol ang baboy d**o sa kaniya dahil hindi nito kayang tumalon sa hukay na iyon. Umalis na ito pagkatapos ng ilang minuto. Dumudugo ang binti niya. Hinawakan ni Clementine iyon at marahang pinisil. Sinubukan niyang tumayo dahil mababa lang naman iyon na abot tao pa. Pero dahil sa kalagayan ng binti niya, hindi niya magawang umakyat. She groaned while in pain. Umupo siya sa sulok at binubot ang mga d**o sa paligid at pinagbabato iyon sa paligid. “I hate that ugly pig! Sh*t!” sigaw niya. Nanatili siyang nakaupo roon. May hawak siyang bato sa kung anumang elemento o hayop ang balak umatake sa kaniya. Napatingala siya sa langit dahil malapit nang dumilim. She was sitting there for hours. Gusto na niyang maiyak dahil hindi gumagana ang relo niya. Basag basag na iyon. “Why am I so unlucky here? I hate this stupid town!” sigaw niya, naiiyak na. Malamig na at nagsisimula nang dumilim. Kumalam na rin ang sikmura niyang wala pang laman sa magdamag kung hindi tubig. She doesn’t have anything with her. Ang tumbler ay naiwan niya sa lugar kung saan sumulpot ang baboy d**o na iyon. ‘Nakauwi na ba si Manang? I hope that she will feel that something’s wrong.’ aniya sa isipan. Dumilim na nzng tuluyan ang paligid. Pinunasan niya ang sarili. Ang lahat lahat ng nararamdaman niya ay naghalo halo na. Ang sakit ng kaniyang sugat at ang sakit ng kaniyang kalooban ay hindi matatawaran. She sobbed like a little kid. Natatakot siya dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Natatakot siyang alamin kung may maghahanap ba sa kaniya ngayon. She’s only best at pushing people away from her kaya nanghihina ang loob niya na baka wala nang makaisip na hanapin siya. Sinubsob niya ang mukha sa tuhod. For the first time, her cry became wailing. She’s so tired. “Gusto ko nang mamatay,” bulong niya at humikbi pa. A light shone from above. Noong una, akala niya nag-ha-hallucinate na siya sa gutom pero nang gumalaw ang lente nito at tumapat sa mukha ay napagtantto niya na galing iyon sa isang flashlight. “Thank God,” bulong ng pamilyar na boses at tumalon mula sa ibabaw ng hukay. Clementine looked at Quentin who were obviously worried. May halong galit at pag-aalala ang tingin niya nang lumuhod ito sa harapan ng dalaga. “Q-Quentin!” sigaw ni Clementine at hindi na napigilang yakapin ito. Quentin did not expect it but he didn’t flinched. Hinayaan niya na mahigpit ang yakap ni Clementine sa kaniya. “Y-You came… I am so scared that no one will come for me…” bulong pa ni Clementine at humikbi. Hinaplos ni Quentin ang likuran ng dalaga. “Shhh, it's okay. I will find you no matter what,” bulong ni Quentin pabalik. Inalis ni Quentin ang mga bisig ni Clementine na nakayakap sa leeg niya. Inilawan niya ang flashlight ang hita ng dalaga. "May sugat ka,” seryosong sabi nito at sinuri iyon. Malalim at mahaba ang sugat ni Clementine. Lumunok si Clementine. Pakiramdam niya, nagdidilim ang paningin niya at umiikot ang buong paligid. “Tine!” sigaw ni Quentin nang pumatak siya sa lupa. Hindi na niya nagawa pang magsalita dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nagising si Clementine at bumungad ang pamilyar na kisame ng kaniyang kuwarto. May mga boses siyang naririnig doon. “Maraming salamat, Pablo.” sabi ni Quentin. Nagmulat ng mata si Clementine at nilingon ang si Quentin na may kausap na lalaking nakasuot ng long sleeves. “Walang anuman, Quentin.” sabi nito at may binigay na mga papel, “Ito ang pain reliever para sa sugat niya.” sabi nito at iniabot ang isang papel. Binuklat ni Quentin iyon at binasa. Seryoso siyang nakatayo sa paanan habang ang lalaki ay nasa may pintuan na at handa nang umalis pero napansin ni Manang na nagmulat na siya ng mata. “Diyos ko, Doc Pablo! Gising na si Tine!” sigaw ni Manang at dinaluhan na siya. Lumapit agad si Pablo at kinuha stethoscope niya para suriin si Clementine. “Ano ang nangyari?” tanong niya, at nanghihina na bumangon, "Nauuhaw ako, Manang." Nagsalin si Manang ng tubig na agad niyang kinuha para inumin. Mariin ang mga titig ni Quentin sa kaniya. “Nawala ka sa gubat at nagkaroon ka ng sugat.” sabi ni Pablo na may kaunting ngiti, “Kamusta na ang sugat mo?” “It hurts,” sabi ni Clementine. Tumango si Pablo. “It’s normal. Tinahi ko ang mga sugat mo. Masyadong malalim ang sugat na tinamo ng binti mo.” paliwanag niya. Matapos ang ilang check-up ay nagpaalam na rin si Pablo. Doktor ito at kaklase ni Quentin noong sila ay nasa sekondarya pa lang. “Naku, Clementine! Pinag-alala mo ako. Buti na lang at natagpuan ka ni Quentin. Paniguradong malilintikan ako kapag nalaman ito ng Daddy mo!” sabi ni Manang. Tiningnan ni Clementine ang binti na may benda. Kumulo ang tiyan niya sa gitna ng litanya ni Manang. “Hindi ka pa kumakain sabi ni Isay! Diyos ko! Paano ka ng bata ka? Bababa muna ako para mapainit ko ang pagkain mo!” Tumango si Clementine. Kumakalam na ang sikmura niya. Naiwan silang dalawa ni Quentin sa kuwarto niya. “Hindi ko sasabihin kay Don Wilfredo ang mga nangyari, Senyorita. Ano ba ang pumasok sa kokote mo at nag-jogging ka sa parteng iyon?” tanong ni Quentin. “I jogged and I got lost so….” simpleng sinabi niya. “Mabuti na lang at nakita kita kaagad. Delikado ang parteng iyon ng hacienda. Maraming mga ligaw na hayop doon. Paano na lang kung—“ “I’m already saved na ‘di ba? Ano pa ba ang issue?” tanong ni Clementine. “You caused a scene again! Marami ang naabala sa nangyari at nag-alala! Sa akin ka pinagkatiwala ng Daddy mo. Ako ang malalagot sa oras na may mangyaring masama sa’yo.” Nag-angat ng tingin si Clementine sa binata. “There! Sinabi mo rin! Do I look like I am just an assignment to you?” tanong niya, mataas na ang boses. “What do you mean?” iritadong tanong ni Quentin. Tumawa si Clementine pero walang humor iyon. Sukdulan na ang galit niya para kay Quentin. She just came back from an accident at ganito ang bungad niya? Hindi man lang siya cinomfort man lang! “I know my Daddy asked you to look after me but it doesn’t give you the right to invalidate my feelings and treat me like I am a child!” sigaw niya. Natahimik si Quentin. Clementine bit her lower lip para pigilan ang kaniyang pag-iyak. “I have feelings too, Quentin. And I am hurt by what you made me feel last night! Ano ba ako? Nakakadiri ba ako kasi hindi mo man lang kaya tingnan pagkatapos ng halik? Nakakadiri ba ako kasi ayaw mo—“ Natigil ang sasabihin ni Clementine dahil hinawakan ni Quentin ang magkabila niyang pisngi at marahan siyang hinalikan. Tumulo ang luha ni Clementine nang pumikit siya. Mainit ang mga palad ni Quentin at malambot ang kaniyang labi. He did not move but his kiss felt sincere. Matapos ang ilang segundo ay bumitiw rin pero hindi tuluyang lumayo ang kaniyang mukha. Nakadikit ang noo nito sa noo niya. “I cannot look at you because I was disgusted by myself.” bulong ni Quentin. Tumingin si Clementine sa mga mata ng binata. Quentin distanced his face to wipe her tears. Marahan ang haplos nito sa mukha ni Clementine. Para bang kung lalagyan ng kaunting bigat ay mababasag siya. “I was drunk and I kissed you without thinking. I kissed you without permission.” sabi pa ni Quentin. Seryoso ang mga mata nito. Clementine looked at his lips back to his eyes. She cannot speak. She cannot talk. Punung-puno ng dagundong ang kaniyang dibdib. “You just kissed me again without my permission.” sabi ni Clementine. The side of Quentin’s lips rose. Clementine felt her cheeks burning. It’s like she’s having a convulsion. “Iba ‘tong ngayon, Senyorita. I kissed you while I am sane and thinking clearly,” he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD