Kinabukasan, maagang nagising si Clementine dahil sa pagkatok ni Quentin.
Umungol siya at nagmura bago bumangon dahil patuloy at walang balak tumigil ang mga katok sa pintuan niya.
“What the hell?” tanong niya at binuksan ang pintuan.
Kinusot niya ang mata niya. Quentin looked at her body bago binalik iyon sa kaniyang mukha. She raised her brows.
“What? Kumatok ka ba rito para titigan lang ako?” she asked.
Tumikhim si Quentin.
“You’re only wearing that when you sleep?” he asked back.
Tiningnan ni Clementine ang katawan. She was wearing a silk panty and an oversized shirt.
She yawned.
“What? I’m clothed comfortably, Quentin,” she said.
Kumunot ang noo ni Quentin.
“You should stop wearing that or put on shorts when you answer the—”
“Shut it, Quentin. Do not start with me when I just freaking woke up. What the hell do you want from me?” she asked again, now annoyed.
Nag-iwas ang binata ng tingin pero halata ang inis at ang hindi pagiging kumportable nito.
“You’re coming with me today as your father’s request. Get ready. Aalis tayo bago sumapit ang alas nuwebe,” sabi niya.
Umirap si Clementine at walang sagot na sinara ang pintuan. She almost forgot that she needs to impress her father to get on his good side.
She’s tired working in the farm. Kahit na nanghihikayat ang kama, mabilis siyang pumunta sa banyo para maligo. She groaned when the hot water soothed her sore body.
For the past weeks, she worked physically in the farm.
Pinagtrabaho lang naman siya ni Quentin sa azucarera at sa mangahan dahil harvest season ngayon at kulang ang mga tauhan. Nagsuot siya ng isang itim na dress at naglagay ng kaunting make-up.
She wanted to be presentable if she will meet the Decernas. They may jive since pareho sila ng estado sa buhay.
Having someone who understands you can be a good thing if you’ll be stuck in this place.
Bumaba siya limang minuto bago ang alas nuwebe. Quentin was already waiting. Umirap siya. She cannot believe na he was already trying to fight with her early in the morning.
It’s Angela, Quentin and her only at the breakfast table. Wala roon ang Don dahil ayon kay Manang, sumama ang pakiramdam nito kanina. She wanted to go and check on him pero pinagbawalan ito ni Manang.
“Hayaan mo muna makapagpahinga ang Daddy mo, Tine.” saway ni Manang at nilapag ang juice sa mesa.
Tumango si Clementine at pinagpatuloy ang pagkain.
She’s worried about him pero tama si Manang, kailangan ni Don na magpahinga muna. The only thing she can do is to focus in this hacienda para mabawasan ang isipin ng Daddy niya.
“Saan tayo magkikita ng mga Decerna?” tanong niya kay Quentin.
Nag-angat ng tingin sa kaniya si Quentin.
“Sa bayan. May kainan doon,” sabi ni Quentin.
“Is it even a four-star dining place? Or puchu puchu na kainan lang?” she asked again.
She really wanted to eat some nice food today. Sa tingin niya deserve niya ang makapagrelax at kumain sa labas for all the work she’d done the past weeks.
Angela looked with hint of shock to his brother. Hindi iyon pinansin ni Clementine.
“Simpleng kainan lamang, Senyorita. Pero masisigurado ko na malinis at masarap ang pagkain,” pagpapaliwanag ni Quentin.
Ngumiwi si Clementine.
“Eh ‘di puchu puchu nga?” she asked with a tone of confirmation.
She looked at the whole kitchen and watched every helper’s reaction. Angela was quiet.
“Does this town even have a classy restaurant? Hindi ba nakakahiya na doon mo papakainin ang mga mayayamang Decerna sa puchu puchu na kainan?” she asked, “Gosh! That’s so nakakahiya kaya on our part!”
Kumunot ang noo ni Quentin.
“Puwede ba? Tigilan mo ang pagtawag ng puchu puchu sa mga lugar dito,” seryosong sabi nito.
“Wait, are you offended? I’m not saying anything bad naman! I am just describing na—”
“Nakukuha ko na galing ka sa Amerika at sanay ka sa mararangyang bagay at lugar. Pero nasa San Lucas ka na ngayon.” pangaral ng binata.
Uminom siya ng tubig at tumayo na.
Tumingin na rin siya sa kaniyang relo.
“Tapos na ako kumain. Maghihintay ako sa labas. Angela, tulungan mo si Manang dito.” bilin niya sa kapatid at walang pasubaling naglakad papalabas.
“Did your brother just got the guts to cut me off?” sabi niya, hindi makapaniwala.
Mahinhin na niligpit ni Angela ang plato niya at ang plato ng kapatid.
“Tama naman si Kuya. Hindi marangya ang lugar na ito pero mababait ang tao rito. Dito kami lumaki kaya ayaw niya na hinuhusgahan mo ang lugar namin.” she answered at iniwan siya roon.
Halos mahulog sa sahig ang kaniyang bibig.
Sinupalpal din ba siya ni Angela?
She sighed and removed the table napkin she’s using and throw it at the floor.
“Buwisit na magkapatid,” bulong niya at tumayo.
Nilingon niya ang ilang helper na naroon. Mabilis na nag-iwas ang mga ito ng tingin sa tuwing matititigan niya na para bang nakakapaso ang mga mata niya.
“Ugh! I hate this place!” sigaw niya at nagmartsa na papalabas.
Tingkayad na ang araw. Banayad ang panahon at talagang napakatahimik. Ang kaniyang high heels ay dumadagundong sa bawat pagbaba niya sa hagdanan.
Nakita niyang nasa hindi kalayuan si Quentin, kausap ang isa sa mga hardinero. Naiirita siyang lumapit doon.
“Tara na!” she said.
Nilingon siya ni Quentin at tinapik ang balikat ng hardinero.
“Sige. Mamaya na lang, pare,” pamamaalam niya sa lalaki.
Hinintay niyang maglakad si Quentin papunta sa garahe bago siya sumunod.
Umirap siya sa hangin.
Kung nakakasugat ang bawat pag-irap niya, duguan na ang likuran ni Quentin. Nilingon siya ng binata.
Tumaas ang kilay niya nang titigan siya nito. Walang imik na binuksan nito ang pintuan ng puting SUV para makapasok siya roon.
Agaran siyang nakahinga ng naramdaman ang upuan ng sasakyan. Mabuti na lamang at ito ang dinala ni Quentin para sa meeting na ito at hindi iyong bulok niyang pickup truck.
If that happened, she would really throw herself on the road. Never in her whole life niyang hahayaan siyang makita ng mga taga San Lucas na nakasakay doon.
Tahimik ang biyahe. Ang mahinang tunog mula sa local station ang naririnig niya.
This is the first time na makakapunta siya ng bayan ng San Lucas after she left. Lumabas na sila sa gate ng kanilang lupain. Sumalubong sa kanila ang kongkretong kalsada at ang mapunong sidewalk.
“Nandoon din ba ang Community College?” tanong niya habang pinapanood ang kalsada.
Puro palayan at mga puno iyon. May view pa ng mataas na bundok na malapit sa kanila.
“Oo,” tipid na sagot ni Quentin at nagpatuloy sa pagmamaneho.
“How far? Paano pumapasok si Angela?” tanong niya.
May driver kaya na nilaan si Don Wilfredo para rito? Or she commutes? And by what? Mukhang walang subway dito? At sigurado siyang walang taxi?
“Halos dalawampung minuto mula rito. Inihahatid ko si Angela sa pick-up. Minsan bumabiyahe siya sa tricycle.” sagot nito ulit.
“Tricycle? What’s that?” tanong niya.
Umiling si Quentin sa tanong niya.
“Motorsiklo na may sidecar.” paliwanag nito.
Tumango si Clementine.
“I do know how to drive. Do you think Daddy will let me borrow one of our cars?” she asked.
Nagkibit-balikat si Quentin.
“Hindi ko alam,” sagot niya.
Ngumuso siya sa sagot ng binata.
“You do know.” she said, smiling. “You can put on a good word about me.” she continued.
Kumunot ang noo ni Quentin.
“Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan natin.” sabi niya.
“Come on, Quentin! Para namang hindi tayo magkaibigan niyan?” she said while smiling with her puppy eyes.
Tumaas ang kilay ni Quentin.
“Hindi naman talaga tayo magkaibigan.” sagot ng binata.
Natigilan sa pagngiti si Clementine. Nilingon siya ni Quentin.
“Alam mo, panira ka ng trip? Palibhasa matanda ka na. You don’t know the word ‘fun’,” sabi niya.
Hindi siya sumagot sa pang-aasar ni Clementine. She sighed and looked at the road again.
“May I ask where are your parents?” tanong niya.
Nilingon siya ni Quentin at huminga nang malalim.
“Dead." tipid na sabi niya at bumuntong hininga, "Both dead.” pag-uulit niya.
“How did you end up as my father’s right hand?” tanong niya ulit sa binata.
“Nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-isap matapos noong graduation ko sa Community College. He was the guest speaker. He knew me as the kid of one of his azucarera farmer,” sagot nito.
Tumango si Clementine.
‘So, that’s the reason why?’ she said on her mind.
“Sobrang laki siguro ng potential mo? My Dad won’t hold on you like that if you’re nothing.” she asked.
Ngumisi si Quentin at umiling.
“Hindi ko rin alam sa potential. Gusto ko lang talaga ang agrikultura. Siguro dahil doon ako lumaki sa azucarera ninyo. Lumaki ako na nakikita ang mga magulang ko sa tubuhan.”
Hindi namalayan ni Clementine na napangiti siya.
The way he’s talking about his parents, made her think how fun is that. She can’t remember so much about her childhood. Fragments of her mother and completely nothing about Don Wilfredo.
“You are really lucky, then.” she said.
Nilingon niya si Quentin na sumulyap rin sa kaniya.
“You had the chance to grow up with your parents. I really wanted that, you know?” she admitted.
Hindi niya namalayan na unti-unti na niyang binubuksan ang sarili sa binata.
Natigilan si Quentin sa sinabi niya. Naramdaman ng binata ang ibig sabihin ni Clementine roon.
Sa unang pagkakataon, nakikita niya ang totoong saloobin ng spoiled brat na si Senyorita Clementine Diogracia.
“Your father truly cares for you, Clementine.” he just said.
“I hope so.” she answered.
They reached the town. Madaming simpleng establishments sa lugar.
Unang beses ni Clementine makakita ng palengke. Palaging sa pelikula lamang siya nakakakita noon kaya naman namamangha siya ng kaunti roon. Lumiko si Quentin sa isang maliit na kainan.
“Nandito na tayo, Senyorita,” sabi nito at pinatay ang makina.
Pinagmasdan ni Clementine ang kainan sa harapan niya. Pinturado ito at may ilang mga ilaw, bukas ang lugar at gawa iyon sa kawayan.
The place looked very nature. Lightweight ang mga materyales.
Binuksan niya ang pintuan. Ang ilang tao roon ay napatingin sa kaniya.
With her Christian Dior bag and her Versace dress, she’s really out of place. She walked behind Quentin. Marami ang bumabati sa kaniya pero agad din napapatingin sa kaniya.
“Nandito na siya,” sabi ni Quentin.
Napatingin siya sa lalaking nakatalikod sa kanila. He’s at the same age as Quentin or maybe a year older based on his physique and back profile.
“Vilhelm,” pagtawag ni Quentin.
Nag-angat ng tingin ang lalaki mula sa kaniyang cellphone. He stood up and smiled at him.
“Oh! The famous Quentin Blanco!” bati nito pabalik at tumingin sa dalagang nasa likuran niya.
He smiled at him, “Girlfriend mo?” tanong niya.
Nagulat si Clementine sa sinabi nito.
“No. Nag-iisang anak ni Don Wilfredo. Si Senyorita Clementine Diogracia,” sagot niya.
Nag-offer ng kamay si Vilhelm sa kaniya at ngumisi.
“Nice to meet you, Miss Diogracia. I am Vilhelm Decerna. I am also Quentin’s college batchmate.” pakilala nito.
Tumingin si Clementine sa malinis at presentableng kamay nito.
'He looked expensive.' sabi niya sa isip niya.
Ngumiti siya at tinanggap iyon. Even his palms were soft and warm.
“Clementine Diogracia. Nice to meet you, too.” she introduced.
“Maupo na tayo,” sabi ni Quentin at nauna nang umupo.
Vilhelm pulled a chair so she can sit. Ang ilang kumakain doon ay napapatingin sa banda nila. Well, she can understand the girls drooling over these two men.
Vilhelm is really damn good looking. Parang isa pang diyos na inukit. This is the type of men she dates in Amerika. Rich, Fil-Am na super-hot and of course, malaki!
Naputol ang mahalay niyang mga iniisip ng haranagan ni Quentin ng laminated menu ang mukha niya.
She raised her brows. Mariin ang panga ni Quentin at sinulyapan si Vilhelm. Doon niya nakuha.
Masiyado na siguro siyang nakatitig kay Vilhelm!
Nakakahiya!
“So, you finally went home for good? My family said that Don Wilfredo’s daughter is living abroad since she started being a teenager. Hindi naman nasabi sa akin na sobrang ganda mo pala,” he said.
Namula ng bahagya ang pisngi ni Clementine. She’s used to getting compliments from strangers pero hindi niya maiwasan.
God, he’s so hot!
“Thanks. You too, I never heard that the Decernas have a grandson like you. You must be getting a lot of girlfriends?” she complimented back.
“Nah! I don’t have as of the moment. Ikaw?” sagot nito.
Tumikhim si Quentin at tumingin sa laminated menu at kunwari pang tumitingin doon. Gustong umirap ni Clementine rito.
'Kahit dito, napaka-KJ niya!' she wanted to scream.
Tumawag siya ng waiter.
Nagbigay sila ng orders. Hindi pamilyar iyon kay Clementine kaya naman gumaya lang siya sa order ni Vilhelm na pansit chami.
She doesn’t want to ask them kung ano ang chami at baka maisip ni Vilhelm na sobrang arte niya at ma-turn off ito sa kaniya.
“May desisyon na ba si Don Vernon?” tanong ni Quentin na hindi na nagpapaligoy-ligoy pa.
Unti-unting dumating ang mga pagkain. Nagsimula ng gumawa ng sawsawan si Vilhelm. Pinanood lamang iyon ni Clementine pero sobrang bilis noon na hindi niya na nasundan. Quentin is busy talking about the deal while Vilhelm is answering him too.
She looked at the noodles. It is now being saggy.
“Kaya naman sa tingin ni Daddy, medyo maganda ang naiisip ni Don Wilfredo na gawin sa lupang gusto ninyo upahan,” sabi ni Vilhelm at nagsimula na kumain.
Quentin looked at her. Nakita nito na hindi pa niya nagagalaw ang pagkain. Nagulat na lamang si Clementine ng kuhanin ni Quentin ang maliit na mangkok para siya ang gumawa ng sawsawan ng dalaga.
“Maanghang ba or hindi?” tanong ni Quentin.
Nanonood na ngayon si Vilhelm sa kanila. She swallowed and answered,
“Spicy… please,” she whispered.
She watched him do it swiftly. Nilagay niya ito sa harapan niya.
“Puwede mo na kainin. Isabaw mo lang,” sabi ng binata, “Do you want me to do it for you?”
Tumango siya at seryosong ginawa ni Quentin iyon. Sinabawan nito ang noodles.
Ngumisi si Vilhelm matapos silang panoodin sa ginagawa.
“This is getting interesting, Quentin… If I did not know, I will think that Cressida finally got her replacement in your heart,” he teased.
Umiling si Quentin at seryosong bumaling kay Vilhelm na para bang may nasabi itong mali.
“Gago. Kumain ka na nga lang bago ko makalimutan na nasa business meeting tayo,” utos ni Quentin.
Tumawa si Vilhelm at nagpatuloy na sa pagkain.
“Who’s Cressida?” tanong ni Clementine na nahihiwagaan kung bakit ganoon na lang ang ekspresyon nila.
“The one he cannot forget, Miss Diogracia.” Vilhelm maliciously answered her.