Nakangiti akong umupo mula sa pagkakahiga at nag-unat ng dalawang braso pataas. Yesterday was one of the biggest twist of event in my life. Having Blade with me again together with our child and Mama giving Blade a chance to prove himself. Wala na siguro sasaya pa isang kumpletong pamilya. Boung pamilya na kahit kailan ay hindi ko naranasan. “Good morning my love.” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Nang dumako ang mata ko sa nagsalita ay hindi ko maiwasang mapangiti. Nakasandal si Blade sa hamba ng pinto habang nakasalikop ang dalawang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. Nakataas din ang sulok ng kaniyang labi gwapong-gwapo sa sout nitong simpleng t-shirt na kulay itim at kupas na maong. “G-good morning,” ganting bati ko at ibinaba ang brasong

