Nakatayo ang isang malaking gusali sa gitna ng mga puno at malayo sa mga kabahayan. Mula sa highway na tinatayuan ko ay mahabang daan din na may mahigpit na seguridad ang dadaan bago makarating sa gusali na may kulay itim at pula. So, this is the newly renovated place of Leviathan and Toussaint. This is where their laboratories are located too. At narito rin ang anak ko. Napahawak ako sa aking tenga nang magsalita si France. Mabuti na lang at naka-off ang audio ng gamit kong earpiece nang sa gayon ay hindi nila ako marinig. "Blade, the guard can't recognize you. You can enter at the main gate. Just show your access card." Nakatago ako sa isang medyo may kalakihang tanim ng bulaklak at sapat na iyon para hindi ako makita. Kitang-kita ko ang pagpasok ni Blade nang ipakita ang access card

