"Open your mouth, Katana." Umiling ako at ngumiwi habang naka titig sa pagkain na hawak ni Blade. He is giving me a spoonful of rice porridge cooked by Gail. Kaninang umaga nang magising ako ay agad din akong inilipat mula sa ospital papunta sa bahay ni Nana. Maaari kasing may makakita sa akin doon at magsanhi ng gulo. Kaninang umaga ay puro lugaw lang din ang pagkain ko. Hanggang sa tanghalian, ganoon pa rin? Pumikit si Blade nang mariin. Kitang-kita sa namumula nitong gawin mukha nito ang inis dahil kanina pa niya ako pinapakain nito at puro iling ang sagot ko. "You need to eat," aniya na seryoso na ang mukha. Hindi ako umimik dahil nauumay na talaga ako sa lugaw. Mula sa telebisyon ay lumabas ang commercial ng isang malutong na fried chicken. Napakurap ako at napalunok ng laway

