Isang mabining haplos sa pisngi ang naramdaman ko dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Napaawang ang labi ko at umupo na agad niya naman akong inalalayan. Iginala ko ang tingin ko sa boung mukha niya at kahit puro galos iyon ay hindi nabawasan ang kagwapuhan niya. "Blade!" yumakap ako sa kaniya nang mahigpit. My worries fades instantly. He hugged me back. "Nandito na ako." Nang humiwalay ako ng yakap ay tinitigan ko siya nang matalim. "Ano bang nangyari sa 'yo?! Bakit padalos-dalos ka ng kilos ha?! Hindi kaba nag-iisip o wala ka talaga isip?!" He cupped my cheeks. "I'm sorry, Katana." Inalis ko ang kamay niya at tinitigan pa rin siya nang matalim. His face saddened and smiled faintly. Ang mga galos sa mukha niya ay tila ba dumami. Kumunot ang noo ko at inabot ang kaniyang pisng

