"E-Eryn..." Para akong binuhusan nang malamig na tubig habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko man nakikita ang aking sarili ay paniguradong kitang-kita niya ang pamumutla ng aking mukha. "Did I," she almost whispered, "startle you?" Nilingon ko si Blade na nakaupo pa rin at mukhang hindi napansin ang presensya ni Eryn. Lumunok ako, hinawakan nang mahigpit ang tali ng Roba at muling ibinalik ang atensyon sa babae. Hindi ako umiwas ng tingin dahil ayoko rin magmukhang kaawa-awa sa harapan niya. I cleared my throat and took a deep inhalation yo atleast calm my senses. Ibinuka ko ang bibig ko at akmang magsasalita nang isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi mula sa babaeng nanggagalaiti sa galit ang magandang mukha. Nanatiling nakatabing ang aking pisngi at hal

