Napamura ako nang malakas nang isara at i-lock ni Blade ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko. Hinawakan ko ang seradura at inikot iyon at nang hindi talaga mabuksan ay sinipa ko ito. Napangiwi ako dahil tumama ang hinlalaki ko sa loob ng sout kong red stilettos. "Stay there," anito sa likod ng nakasaradong pinto. "Stay there my ass!" Nagbuga ako nang marahas na hangin dahil sa inis sa kaniya at sa sarili ko. Hindi ko man lang nagawang labanan ang tukso at pinairal ang karupukan. I can still feel the unstable beat of my heart and it is all because of him! I shake my body to lessen the tension of satisfaction he gave. Kailangan kong alisin sa isipan ko ang bagay na iyon dahil nasa gitna ako ng assignment. Muli akong lumapit sa pinto at inalog iyon. Nahulog ang earpiece ko nang buhat

