"Mrs. Sedest '' tawag sa akin ng assistant ng Ob Gyne na pinsan ni Ken. "Misis ko tara." aniya sabay inalalayan akong tumayo. Pagkatapos kasi ng flag raising nila ay wala naman silang activities kung kaya nagpaalam na lamang kami kay Daddy na sasamahan ako ni Ken para magpacheck-up. "Good Morning Mrs. Sedest! I'm Doctor Sedest," pagbati at pagpapakilala sa sarili ng Doctor. "Ikinasal na pala itong gwapo kong pinsan ngunit hindi man lang ako naalala na imbitahan hindi naman ako masibang tao sa pagkakaalam ko, eh.” anito sabay irap sa asawa ko “Anyway, kamusta naman siya bilang asawa hindi ka ba stress?" dire-diretsong turan ng Doktora "Sa susunod ka na lang pumunta tanging mga magulang lang namin ang inbitado kaya tumigil ka na dyan. " aniya "Gunshot wedding ba yun? Hahaha." muli n

