"What happened?" halos sabay naming na sambit ni Sky ng maabutan naming umiiyak sa harapan ni Aiden si Ayesha.
Dinaluhan ko si Ayesha pero hindi niya tinanggap ang kamay ko at lumabas ito sa kwarto kaya umalis na rin si Sky
"May dapat ba akong malaman Aid?" tanong ko sa kanya pero nakatulala lang ito kaya niyakap ko siya
"Papunta na sila Tito dito para kunin ang iba mong gamit"
"I'm worried" aniko at hinarap siya
"You don't have to, It just a misunderstanding"
Niyakap niya ulit ako at naghapunan kami, maya-maya ay dumating si Papa kasama si Tita Yena
"Kumusta pakiramdam mo?" tanong sakin ni Tita Yena
"Okay na po ako Tita, malakas pa to sa kalabaw no, diba Papa?!"
"Aba syempre mana sakin, kumusta naman ang anak ko Aiden, hindi ka ba kinukulit nito?" natawa nalang ako kay Aiden na parang di makasagot
"Naku ang kulit niyan Tito" sagot niya kaya nilakihan ko sa ng mata
"Ikaw talagang bata ka, buti nalang at nandito si Aiden para alagaan ka eh alam mo naman na hindi naming maiwan ng Papa mo ang trabaho kasi dalawang buwan na rin ang leave naming" sermon ni Tita Yena kaya natawa nalang kami pareho ni Papa.
"Aba'y tinatawanan niyo pa kong mag-ama!"
"Eh kasi naman Tita kada punta niyo dito palagi mo pong sinasabi sakin yan" sagot ko at nagtawanan lang kami
"Maiba nga ako, Aiden ikaw ba ay nanliligaw sa anak ko?" nawala ang ngiti ko sa tanong ni Papa
"Hay nako dina bata tong anak mo, ilang buwan nalang ay ga-graduate na to siyaka gwapong bata naman ito si Aiden diba Isla?"
"Tita?!" hindi tuloy ako makatingin kay Aiden dahil sa sinabi ni Tita at sobrang init ng pisnge ko
"Ahh opo sana" Aiden said kaya napatingin ako sa kanya
"Oh diba sinasabi ko na nga ba, mag-uusap pa tayo Aiden!" ani ni Papa at umakbay kay Aiden, natawa nalang kami ni Tita sa kanilang dalawa
"Alam mo naming nag-iisang prinsesa ko yan at wala pang nagging boypren yan" panimula niya
"It means na pwede ko po siya ligawan?"
"Wala pa akong sinasabi, at di ako papaya na saktan mo ang anak ko alam mo naman siguro kung sino ang makakalaban mo pag yan ay nasaktan"
"Oh susunduin ka nalang namin bukas ng Papa mo, uuwi na din kami dahil masyado nang late at kailangan niyo na rin magpahinga"
"Teka eh nag-uusap pa kami ng lalaki sa lalaki" angal ni Papa pero hinila na siya ni Tita palabas ng pinto
"Hayaan mo na at dina bata yang mga yan"
"Pinapaalala ko lang sa kanya at hindi pa ako pumapayag na ligawan niya ang anak ko"
"Isla aalis na kami, Aiden ikaw na bahala kay Isla babalik nalang kami bukas" ani ni Tita at nakipagtalo pa kay Papa habang palabas ng kwarto
Nagkatinginan kami ni Aiden at umiwas ako ng tingin ng maalala ang sinabi niya kanina
"Uhh about earlier, Uhmm can I?" tanong niya sakin at halos sumabog ang pisnge ko sa sobrang init
"Seryoso ka ba? I mean why not?" ani ko at tumingin sa kanya
"I love you and I always do"
KINABUKASAN...
"Doc salamat sa pag-aalaga sa anak ko"
"We're happy for you Ms. Isla and we hope for your full recovery" nakingiting sabi ng Doctor ko sakin
Sabay kaming lumabas ng Hospital at hawak ni Aiden ang mga kamay ko papuntang parking lot ng Hospital
Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang sumilip sa labas ng bintana, parang bago sa paningin ko ang lahat at ibang-iba nong tinatanaw ko lang to sa rooftop ng Hospital sa loob ng halos apat na buwan...
Pakatapos ng mahabang byahe ay uminto kami sa malaking bahay.
"Ito ang bahay natin, halika at ipapakita ko sayo ang kwarto mo alam kong miss mo na yon" sabay kami ni Tita na pumasok at naiwan naman sa labas si Aiden at Papa para maghakot ng gamit
"Hindi na namin binuksan to simula ng nasa Hospital ka" pumasok kami sa isang malaking kwarto in short kwarto ko pero parang bago lang ito sa paningin ko.
"Salamat po Tita sa lahat po"
"Ano ka ba, alam mo kahit di mo ako totoong Nanay eh mahal ko kayo ng Papa mo" she said and hold my hands
"Ang swerte po namin sayo Tita" she's my second Mother and I always feel her love and care for me.
"Kayo ng Papa mo ang swerte sa buhay ko, haynaku tigilan na natin tong drama at magluluto ako ng hapunan natin"
"Sige po Tita sunod nalang po ako sa baba" Niyakap niya muna ako bago siya lumabas ng kwarto ko.
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto, may sarili na itong mini kitchen at cr, sa sliding door naman ay kita ang maliit na garden sa may parking lot namin, maganda rin ang design ng kama ko para kasi itong double-deck pero sa baba ay study table na may mga malalaking papel, Tinignan ko pa ang mga tambak na malalaking bond paper sa study table at may mga nakaguhit na parang mga bahay at sa huli ay nakita ko ang pangalan ko, ako si ISLA MARIA LORENZO at Architecture ang course ko.
Binuksan ko ang sliding door at nakita ko si Ayesha kausap si Sky at Aiden, nang mapansin ako ni Sky ay kumaway ito sakin at ngumiti lang ako bilang ganti.
Maya-maya ay tinawag ako ni Aiden para bumaba na sa hapunan, pagdating sa baba ay nandon si Sky at Ayesha at ang pamilyar na mukha ng babae.
"Chloe?!" I almost shout and then she hug me
"Kumusta ka na? na miss kita ng sobra" she said and sit beside me sa kabila naman ay si Aiden
"I feel better, what about you?"
"Well excited ako dahil babalik ka na sa school next week" sa ilang buwan na wala ako sa school ay mahihirapan akong mag-adjust pero ang sabi ng nakausap kong teacher ay kaya ko pang humabol pero hindi ako makakasabay sa graduation and I don't have choice ayoko namang bumalik.
"Ito na ang Chicken Adobo" napangiti nalang kaming tumingin kay Tita habang hinahanda ang pagkain
"Let's eat!" masaya kaming kumakain pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Sky at Aiden kaya tinignan ko sila at nag-iwas sila pareho ng tingin.
"Ayesha hindi mo ba ipapakilala samin ang boyfriend mo?" panimula ni Tita
"Ahmm yeah, He's Sky Villara my boyfriend" maikli niyang sabi samin
"Oh Isla hindi mo ba ipapakilala samin si Aiden?" ani naman ni Papa kaya napahinto nalang ako ng siniko ako ni Chloe at bumulong sakin.
"Uyy ikaw ah wala kang sinasabi sakin"
"Ahh hindi pa po kami" I answered
"Your Adobo is good Tita, I should cook this sometimes" basag ni Sky sa topic
"Ayy nambola ka pa, bisita ka dito anytime at tuturuan kita" sagot naman ni Tita
"Sure Tita"
After kumain ay nagpaalam na si Chloe na umuwi at naiwan naman si Sky na kasamang umakyat sa kwarto ni Ayesha kaya umakyat narin ako at sumunod si Aiden.
"I should start then" Aiden said when I lock the door
"Start what?" ani ko at napalunok ng lumapit siya sakin
"Courting you"
binuksan ko ang sliding door at lumanghap ng sariwang hangin and I feel him in my back.
"I want to hear the right answer kapag may nagtanong sayo kung ano mo ako" he said in a calm voice, I close my eyes and feel his arm around my body "I'll wait for that Isla"
"Thank you Aid"
"I love you"