PART 12

1090 Words
It's past 7pm and we're still here, pareho kaming nakaupo sa blanket na dala niya at nakaharap sa magandang tanawin "Alam mo mas maganda pala tumira sa ganitong lugar no. Malayo sa City tapos payapa lang at masaya" "Ako siguro kahit saan basta kasama kita" he replied and I can't help to smile "Seryoso nga, pag nakatapos tayo gusto kong tumira sa probinsya" "I'm coming with you" "Pano pag hindi naman pala kita makakasama sa huli" malungkot kong sambit and then he look at my eyes "Edi pilitin natin" "Pano kung mat masasaktan tayo? pipiliin mo pa rin bang manatili?" "Even it cost my life Isla, I'll love you" "Ahmm so, ano plano mo pagkatapos ng graduation?" pag-iiba ko sa usapan "Wala pa, what about you?" "Siguro itutuloy ko yong nalugi na kompanya ng Mother ko" since my Mom died hindi na natuloy ang pagpapatayo ng kompanya niya. "That's great, maybe we can work together" Hininto ni Aiden ang sasakyan sa harap ng gate namin. Bumaba na ako ng Makita si Papa na nakatayo sa harap ng pinto. "Ahhh Thank you again Aid" tumalikod na ako pero nagulat ako ng nauna siyang magbukas ng gate at sabay kaming pumasok. Pagdating sa loob ay kinausap kami pareho ni Papa kasama si Tita Yena na nakangiti sakin. "Sa mo dinala ang anak ko?" panimula ni Papa at seryoso itong nakatingin kay Aiden "Sorry Pa, ang totoo niyan ay kami na po" tumingin ako kay Aiden at hinawakann niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa "Alam mo naman siguro Aiden na pinagbabawalan kong makipag-boypren yang anak ko" "Alam ko po Tito" "Papa na ang itawag mo sakin" pareho kaming nagulat sa sinabi ni Papa at nabunutan a na din ako ng tinik "Nag-usap na tayo Aiden, ayokong makitang iiyak ang anak ko" "Alam ko po Tito ahhh Papa" "Oh kumain muna kayo, nagluto ako ng sinigang siguradong gutom na kayo" ani ni Tita Yena at hinandaan kami ng pagkain. Sabay kaming kumainat pagkatapos ay umuwi na rin siya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakahiga sa kama. Maya-maya pa ay pumasok si Papa kay umupo at tumabi siya. "Alam mo parang dati lang, naglalaro ka pa kasama ang mga manok sa bukid at lagi ka pang bungal tuwing dinadalaw ka namin ng Tita Yena mo" napangiti ako ng maalala ang mga ginagawa ko dati "Pa, ano po ang first Impression niyo nong una niyong nakita si Mama?" "Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo napaka amo ng mukha niya . Strikto ang Lolo mo nong nangligaw ako sa Mama mo pero hinintay ko hanggang sa makuha ko ang tiwala ng Mama mo" "San po ba kayo una nagkita ni Mama Pa?" "Dati ay may outing kami sa probinsya. Walang signal doon kaya kailangan ko pang maglakad ng malayo para makakuha ng signal at nakita ko ang Mama mo na tumatakbo dahil hinahabol siya ng mga manok kaya nabunggo niya ako. Simula non ay palagi kaming nag-uusap habang nandoon pa ako sa probinsya. Kailangan ko ng umuwi ng Maynila kaya nagpaalam ako sa Mama mo at simula non ay hindi na kami nag-uusap" "So, pano kayo nagkita ulit?" "Bumalik ako doon pero ang sabi ay nasa America na siya para mag-aral kaya nawalan ako ng pag-asa. Naghintay ko ng ilang taon at nong nabalitaan kong bumalik siya ay bumalik ulit ako ng probinsya at niligawan ko na ang Mama mo. Alam mo Nak, simula ng Makita ko ang Mama mo ay hindi na siya mawala sa isip ko gabi-gabi at nagpapasalamat ako kasi binigyan niya ako ng ikaw" "Mahal niyo pa rin po ba si Mama?" "Alam mo nak kahit napupunta ang atensyon natin sa ibang tao ay hindi mawawala sa puso natin ang pagmamahal na yon at kahit wala na ang Mama mo ay parang nandito pa rin siya" "Mahal mo ba si Tita Yena Pa?" "Oo, at yon ang gusto ng Mama mo" "Anong ibig mong sabihin Pa" "Maiintindihan mo rin ako Isla, buti pa matulog kana at may pasok ka bukas" hinalikan ako ni Papa sa noo kaya niyakap ko siya. "Sana mahanap mo yong kaligayan na deserve mo kay Aiden, may tiwala ako sayo Isla" "Salamat Pa" Tumayo na si Papa at lumabas ng kwarto, napangiti nalang ako sa mga narinig mula kay Papa, maiintindihan din kita Pa. KINABUKASAN ay maag akong nagising at hindi mawala ang ngiti sa labi ko ng makita siya sa labas ng gate at naghihintay sakin, kaya mabilis akong bumaba "Aba ang ganda ng dalaga namin, nasa labas na ang prince charming mo" bungad sakin ni Tita Yena "Hahaha una na po ako Tita" "Mag-ingat kayo" Paglabas ko ay nakangiti siyang lumapit sa akin at mas maaliwalas anhg mukha niya, hays ang gwapo niya!. "Good morning beautiful" bulong niya sa tenga ko kaya hindi ko mapigilang singhotin siya, ang bango niya. "Good Morning" napalunok ako ng nakangiti siyang tumingin sakin "Lets's go?" pinagbuksan niya ako ng sasakyan at tahimik lang kami and then he hold my hand while driving. "How's your sleep?" basag niya sa katahimikan "Good, what about you?" "I couldn't sleep thinking of you whole night" pilit kong tinatago ang kilig na nararamdaman ko habang pilyo siyang ngumiti habang nagda-drive. "Ang aga-aga Aiden wag kang mambola" binawi ko ang kamay ko pero mabilis niya rin itong binawi sakin. Sakto namang nag stop light kaya umiwas nalang akong tumingin pero kinuha niya ang mukha ko at nilapit sa kanya "This is mine" aniya at tinaas ang kamay kong hawak-hawak niya. "And you're mine" mas lalong nagwala ang dibidb ko ng lumapit pa siya lalo sakin. Nagulat nalang ako ng businahan kami ng kasunod na sasakyan dahil green light na pala. He smirk and focus on driving again. Pagdating sa parking lot ng School ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Sabay kaming naglakad sa hallway at hinawakan ulit ang kamay ko kaya hindi maiwasang may tumingin sa aming mga studyante. Feel ko ay sasabog ako sa kaba at kilig. Pagdating sa Room ay pinagtitnginan kami ng mga kaklase namin kaya lumapit sa Chloe at hinarangan kami "Hoyy ano yan ha?" nakataas niyang kilay na tanong samin. "She's my Girlfriend" nagulat naman ang mga kaklase ko at pati ako ay mababaliw na sa lakas ng kabog ng dibdib ko, and then I saw Sky looking at me at luamabas ito ng room kaya hinabol siya ni Ayesha. "Ayieeehhhh!" sabay na sambit ng mga kaklse namin kaya yumuko ako dahil sa init ng pisnge ko dagdag mo pa si Chloe na inaasar ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD