Nagising ako at parang sasabog ang dibdib ko sa kaba, kaya napabangon ako sa hospital bed para huminga ng malalim
"I--sla? gising ka na" utal na sambit ni Sky na nakaupo sa tabi ng higaan ko
Nanghihina ang katawan ko at may benda ako sa ulo
"Nasan si Aiden?! Kailangan ko siyang kausapin!!" Bumuhos ang luha kong nakatingin kay Sky
"Kumalma ka muna, tatawagan ko siya" mataranta ding sagot ni Sky, pinilit kong bumangon pero ayaw makisama ng paa ko kaya inis kong sinuntok ang higaan
"Isla, Anak gising ka na" gulat akong napatingin ng bumukas ang pinto at niyakap ako ni Papa
Nasa likod naman nila ang doctor at nurse at may tinanggal silang kung anong wire na nakatusok sa braso ko, chineck din ako ng doctor bago ito tuluyang lumabas
"Alam kong magigising ka, salamat sa Diyos!" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Papa at niyakap ulit ako
"Kahit sabi ng Doctor na wala nang pag-asang magigising ka, hindi kami sumuko dahil alam naming babalik ka pa samin" Mangiyak-iyak na sambit ni Tita Yena at hinawakan ang kamay ko, nasa harap ko naman si Sky at nakatingin lang sakin
Ipinikit ko nalang ang mata ko at pinakalma ang sarili, sobrang manhid ng buong katawan ko pati na rin ang nararamdaman ko, parang sasabog ako sa galit, madami akong gustong itanong sa kanya, madami akong gusting malaman.
ONE WEEK LATER..
Isang lingo na ang lumipas pero hindi manlang nagpakita sakin si Aiden, wala din akong makuhang sagot mula kay Sky, hindi niya daw sinasagot akong telepono niya.
"Ready ka na?" Tanong ni Sky at binitbit ang bag ko, ngayon ang labas namin sa hospital at nauna na sila Papa na dala ang iba pang mga gamit pero bago pa man ay binigay ni Papa ang cellphone ko pero hindi ko mabuksan kasi lowbat
Pagpasok sa sasakyan ay chinarge ko ito, si Sky ang nagdrive at tahimik lang akong nakatingin sa labas, wala ng masakit sa katawan ko pero hindi pa din tinatanggal ang benda sa ulo ko, tahimik lang din si Sky at seryoso sa pagmamaneho hanggang makarating kami sa harap ng bahay
Pagpasok ko sa loob ay nanlamig ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa sofa, parang gusto kong umatras pero ayaw ng mga paa ko, nakahiga si Aiden sa hita ni Ayesha at natutulog ito ng mahimbing, gulat naming napatingin sakin si Ayesha at napatayo ito kaya nagising si Aiden
"I--sla?" mangiyak-iyak na salubong ni Ayesha at kusang gumalaw ang kamay ko at dumapo ito sa pisnge niya
"Hey, Are you okay babe?" nag-aalalang tanong ni Aiden sa kanya saka tumingin sakin
"Babe?? are you kidding me?" Inis kong tanong at galit ko silang tinignan
"Are you okay, Isla?" tanong ni Aiden, hindi ako makapaniwala kaya sinampal ko din siya
"Wow, so ganon ganon nalang? Girlfriend mo ko Aiden!! Bakit mo ginagawa to?" Napaiyak na ako sa Inis habang nakatingin sa kanilang dalawa pero wala silang imik at kita ko sa mukha ni Aiden, kumunot ang kilay niya at sakto naman ang pagpasok ni Sky
"Hindi kita maintindihan Isla, ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Aiden kaya natawa ako
"Wow, nagka-amnesia ka ba?" Sobrang sakit ng nararamdaman ko, para niya na ring piniga yong puso ko, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aala habang hawak ang kamay ni Ayesha
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Papa
"Alam niyo rin? Alam niyong boyfriend ko si Aiden, bakit ganito?!!" hindi ako makapaniwala, hinawakan ni Sky ang kamay ko at nag-aalala itong tumingin sakin
"Ano bang nangyayari sayo Isla? Ano bang pinagsasabi mo?" Nag-aalalang tanong ni Tita Yena
"Magpaliwanag kayo sakin? Aiden cheated on me, kaya ako nabangga nong gabing yon dahil gusto ko siyang tanungin" umiiyak na sambit ko
"Anong nabangga? Hindi mo ba naalala ang nangyari sayo? Pitong buwan ka nang coma sa hospital, ang sabi ng doctor wala nang pag-asang magigising ka pa pero hindi mo kami iniwan, Ano bang nangyayari sayo?" Umiiyak na sagot ni Tita kaya natawa ako
"Bumalik na ang memorya ko, kasama ko si Aiden sa hospital, diba Aid?"
"Si Sky lang ang kasama mo Isla, dahil buntis ang kapatid mo at si Aiden ang nag-aalaga sa kanya" Sagot ni Tita
"Ano bang pinagsasabi niyo?! Alam ni Chloe, binisita niyo din ako non diba?" naguguluhan akong tumingin sa kanila habang hindi naman tumitigil sa pagtulo ng luha ko
"Nasa US na si Chloe Anak, hindi na siya nakapag paalam sayo, ano bang pinagsasabi mo?" Iyak ni Tita at pati sila ay umiiyak din na nakatingin sakin, nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang mga messages ko pero nanlaki ang mga mata ko ng wala man lang akong makitang convo naming ni Chloe or Aiden kaya napatakbo ako sa labas
"Isla!" hinabol ako ni Sky, patuloy pa din ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod
"Bakit ba kayo nagsisinungaling?!!" Umiiyak na sambit ko ng nasa harap ko na si Sky
Niyakap niya lang ako, hindi ko maintindihan ang nangyayari, hindi ko alam kung paano ako magsasalita, marami akong gustong malaman. Hindi ko na maintindihan ang sarili kong iniisip.
AIDEN POV
I saw her again after almost a year being coma pero gulat ako ng sugurin niya ng sampal si Ayhesha, puno ng galit , sakit, at pagkabigo ang mga mata niya, bakit parang nagbago siya?
Flashback..
"Matagal na tayong tapos Ayesha!" hindi ko mapigilang sigaw at pinagbabayo niya ng suntok ang dibdib ko, hinawi ko ang kamay niya at tumalikod na, mas kailangan ako ni Isla ngayon
"I'm pregnant, please don't leave me" halos takasan ako ng lakas sa narinig, nabitawan ko ang hawak na bag at hinarap uli siya, umiiyak siyang hawak ang tiyan
"What did you say?" gulong-g**o akong tumingin sa kanya pero patuloy pa din siyang umiiyak at kita ko sa mga mata niya ang takot
"I'm pregnant" umiiyak niyang sagot, nilapitan ko siya at niyakap niya ako, napapikit ako hanggang sa tumahan siya
Hinatid ko siya sa bahay at hinayaan magpahinga, umalisa ako ulit at tinahak ang daan papuntang hospital, papasok na sana ako ng silid ni Isla ng nakabukas ang pinto at nandoon and pinsan ko
"Wake up Isla, I will bring you to the cinema again, we will watch all your favorite movie, I promise, just please wake up" umiiyak na sambit ni Sky at hinawakan ko ang door knob ng magsalita ulit siya
"I'll wait for you, I love you Isla" napatigil ako at tumalikod nalang palabas ng building, maybe this is right for us, I wish I am the one there for you, I'm sorry
I loved you, Isla
End of Flashback...