Sabay kaming pumasok ni Chloe sa School kung saan gaganapin yong party. Napilit niya akong pumunta. Nilibot ko ang paningin sa magulong lugar at may hinahanap ang mata ko pero wala siya.
"Want a drink?" tanong sakin ni Chloe at sinundan ko siya sa bakanteng mesa
Maraming mga estudyante at wild na ang iba, parang ang saya lang nila habang sumasayaw. I sip my drink at napapikit ako sa lasa. Kasama ko SI Chloe sa mesa habang pinapanood namin ang mga nagkakasiyahan
"You should dance too, Chloe. Don't mind me here" ani ko pero ngumiti lang siya at nilagok ang isang baso
"Alam mo kalimutan mo muna si Aiden at mag enjoy ka, buti pa samahan mo ko" sagot niya at hinila ako sa nahgkukumpulang estudyante
"You're right Chloe"
Makalipas ang ilang minuto ay sumakit na ang paa ko at medyo nahihilo narin dahil sa nainom kaya bumalik ako sa mesa kasama si Chloe
"That was amazing!" aniya at pareho kaming natawa. Medyo lasing na rin siya kaya napaupo kami at nilagok ang mga natirang inumin.
Hilong-hilo na ako, si Chloe naman ay nakadukdok na sa mesa. Pareho na kaming lasing kaya kahit nahihilo ay tinulungan kong makatayo si Chloe at patumba-tumba kaming lumabas ng School para pumara ng taxi pero may lumapit saming babae
"Jusko kang bata ka!" aniya at inalalayan si Chloe
"Mommy, I'm dizzy" ani pa ni Chloe,
"Lasing na lasing tong batang to Jusko po, Ikaw Ija sumabay kana samin at ihahatid na rin kita"
"Hindi na po Tita, babalik pa po ako sa loob" sagot ko at pinasok na niya si Chloe sa sasakyan.
Babalik pa sana ako sa loob ng may humawak sa kamay ko.
"Let's go home"
"Pwede ba bitawan mo ko. Lumayo ka sakin hindi kita kailangan!" sigaw ko dahil sa galit, gusto ko siyang makalimutan kahit ngayon lang.
"Lasing ka na, ihahatid na kita" kalamado niyang sabi
"Sino ka ba sa tingin mo?! Sinungaling ka Aiden! nagtiwala ako sayo tapos hindi mo manlang masabi sakin yong totoo? Do you even love me?" hindi ko na mapigilang umiyak dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko
"I love you Isla, I'm sorry"
"Why did you lie?"
"Naghahanap lang ako ng timing para sabihin sayo"
"f**k Aiden! Pinsan ko si Ayesha! and you did what?!"
"Wala na kami, Look I'm really sorry. Pero ikaw yong mahal ko, mahal kita Isla"
"Sinaktan mo ko! and you hurt her! you're f*****g heartless!" Halos matumba na ako dahil sa hilo kaya tinalikuran ko siya pero niyakap niya ako ng mahigpit
"Let me go, Aiden!"
Hinila niya ako papasok ng kotse at kahit anong piglas ko ay wala akong lakas. Tahimik kami buong byahe at dahil sa hilo ay pinikit ko ang mata ko. Paghinto ng sasakyan ay bumaba ako kahit natutumba sa sobrangg hilo. Tinulungan niya akong maakyat sa kwarto pero parang may sariling utak ang mga kamay kong hawiin ang hawak niya.
I lock the door. Hinayaan ko ang sarili na matumba sa malamig na semento, Ramdam ko ang sakit ng ulo ko kaya pumikit ako at tuluyan ng nakatulog.
KINABUKASAN ay bumangon ako at parang mababasag ang ulo ko dahil sa hangover. I realized na nasa kama na ako and I can't remember what happened yesterday, ang naalala ko lang ay nakatulog ako sa sahig.
"Mala-late ka na Isla" rinig kong boses ni Tita Yena, siguro nakabalik na sila kagabi.
Bumaba ako ng kwarto para kumaian ng agahan pero ng makita ko si Ayesha ay dumeritso akong lumaba sng bahay para pumsok. A liar!
"Oh my Gosh, my head hurt so bad" ani ni Chloe habang kumakain kami ng breakfast sa cafeteria
"You just passed out last night"
"Si Mommy ang nagsundo sakin pero hindi ko naman siya tinext or tinawagan, ikaw ba ang nagsabi sakanya?"
"Nope. If not you, then who?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
"I don't know"
Pagkatapos ay bumalik kami sa Room at nilibot ko ang paningin para hanapin siya pero wala. Bat ko ba siya hinahanap? Hindi dapat Isla.
"You missed him, aren't you?" tanong sakin ni Chloe at umupo kami sa may bintana
"I just want to forgot about that, Pero hindi ko maiwasang isipin siya"
"I'm sorry" Nagulat ako ng marinig siyang magsalita sa likod ko.
You hurt me Aiden.