Hinihingal na napaupo ako sa may damuhan. Akala ko, 'yong mga activities na gagawin namin dito ay puro spiritual activities katulad no'ng high school, mali pala ko. Puro physical activities. Katatapos ko lang magparticipate sa obstacle course na sinalihan ko. Pinaghalo ang lahat ng seniors sa Elementary Education, Secondary Education, at tsaka Educational Management. Matapos noon ay tsaka kami grinupo base sa activity na gagawin. Napadpad ako sa obstacle team—magkakabukod kaming magkakaibigan. Natapos na ang turn naming elementary education sa grupo kaya kahit papano ay makakapagpahinga na kami. Naipaypay ko sa sarili kong mukha ang kamay ko. Pakiramdam ko napaka init ng mukha ko. Kailangan ko ng tubig. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap ang water station na sinabi ng camp master na n

