Napapikit ako nang mariin pagkatapos ko masuka. Napamumog ako ng tubig, napahilamos na rin ako ng mukha matapos kong i-flush 'yong dapat i-flush. Nanlalatang lumabas ako ng banyo at tsaka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. Ang sakit sakit din ng ulo ko. Ito talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko ng mahabang biyahe, sinusumpong ako ng car sickness. "Lhia, ito gamot para sa sakit sa ulo," tinignan ko si Jade at ang inaabot nitong paracetamol at tubig. Dahan dahan akong naupo mula sa pagkakahiga ko at tsaka ito kinuha sa kanya. "Thank you." Naupo ito sa tabi ko, "Buti na lang may dalang gamut sila Sir Van. Bakit naman kasi 'yan pa nakalimutan mo?" Tinakpan ko ang bote ng tubig pagkainom ko ng gamot. "Ah, please. Ayaw ko ng sermon." Inilapag ko sa may ibaba ng kama 'yong bote. Muli kong i

