Napatigil ako pagbukas ko nang pintuan ng office nila Sir. Isang hindi inaasahang eksena kasi ang naabutan ko. "Lana, faster and close the door," napabuntong hininga ako kay kuya Jarvis. Ginawa ko ang sinabi nito, ni-lock ko pa nga ang pintuan bago ako dumireto at naupo sa may couch. "Talagang dito ka nagpalit kuya, ha? Ni hindi mo man lang ni-lock 'yong pinto," pagbukas ko kasi saktong naka-angat na 'yong laylayan ng shirt na suot niya. Ngayon nga, tuluyan na niyang nahubad 'yong pang-taas niya. Pasuot na siya ng jersey niya. "Hindi ka kasi marunong kumatok, pumasok ka na lang agad," napasimangot ako sa sinabi nito. Totoo kasing nakalimutan kong kumatok at basta pumasok na lang ako. "I know you're siblings but really? Changing into shorts in front of her?" hindi makapaniwalang tanong

