"See you next week. You're free to come to University after your time in your respective schools." "Okay, ma'am, goodbye." Napaunat ako ng katawan pagkalabas ng adviser namin. Inikot ikot ko ang batok ko dahil medyo nangalay ako. "Punta ba tayo dito next week? Iyong hindi araw ng Friday?" In-adjust ko ang upo ko para mapatong ko ang batok ko sa may sandalan ng upuan ko. Inantay ko kung ano ang isasagot ng mga kaibigan ko sa tanong ni Anne. "Gusto ko sana kaso hindi kasi tayo excuse, except Friday," si Shei ang unang sumagot dito. "Oo nga. Gusto ko rin kaso minsan ang daming ginagawa no'ng teacher kaya tinutulungan muna namin bago umuwi. Bihira kaming nakakauwi ng maaga kapag Monday to Thursday," pagsang-ayon ni Jade rito. "Ako," napunta sa'kin ang atensyon nila. "Baka may araw na pum

