"Teacher, can you please help me?" "Sure, here," binuksan ko 'yong de-zipper niyang pencil case na nahihirapan siyang buksan kanina pa. Kanina pa niya ilang beses na sinusubukan itong buksan pero hindi niya magawa. Inaantay ko na lang na lumapit siya sa'kin para tulungan siya. Mas okay kasi 'yon kaysa bigla ko na lang siyang tulungan kahit ayaw naman niya. "Thank you!" isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa'kin. Nagsimula na itong iligpit ang mga lapis niyang pinaglalabas niya kanina kahit isang piraso lang naman ang talagang ginamit niya. "You're welcome," sagot ko rito kahit na hindi na ito nakatingin sa'kin. Pinapanuod ko ang ginagawa niyang pagliligpit nang may biglang kumatok sa pintuan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa tabi ng estudyante namin at lumapit sa parent na kumatok.

