"First impression...strict at hindi basta basta namamansin." Sa totoo lang, medyo nagulat ako sa sinabi ni Anne. Akala ko sasabihin niya 'masungit' kasi kadalasan gano'n 'yong unang impresyon ng iba sa'kin. "Ngayon, nalaman ko na may pagka-emosyonal ka. Also, ikaw 'yong strict pero hindi nang-iiwan ng kaibigan." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Message..." napatitig ako rito dahil hindi ito agad nagsalita. Bahagya rin itong nakayuko kaya hindi magtago ang mga mata namin. "Thank you for always being there for me. Especially during those times I'm in pain. I sincerely wish for your happiness." Napangiti ako sa sinabi nito. Nagsimula na itong umusad papunta sa susunod niyang kakausapin. Napunta naman na sa harapan ko si Jade. Ngiting ngiti ito sa'kin kaya hindi ko maiwasang matawa. Iy

