Alexandra’s Point Of View:
“Gavin is gone Ma, iniwan na niya ako. Umalis na siya ng bansa dahil lang sa kagustuhan ni Tito Von!" Umagos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan matapos akong yakapin ni Mama ng mahigpit.
"Sorry Anak. I'm so sorry, h-hindi ko alam na sobrang sakit na pala ng mga pinagdaraanan mo," hinarap ko si Mama at hinawakan ang mukha niyang basa na rin ng luha.
“No Ma, Wala kang kasalanan. It was all Gavin's fault! Ang masakit pa roon, hindi man lamang niya ako binigyan ng pagkakataong makita siya kahit sana sa huling pagkakataon. Sobrang sakit Ma, hindi ko kayang mawala siya sa'kin."
Bawat katagang aking binibigkas ay nag-iiwan ng kakaibang kirot sa aking puso. Bigla akong nawalan ng lakas, kung hindi dahil sa tulong ni Mama ay baka kanina pa ako natumba.
Naagaw ng paningin ko ang isang lalaking nakasilip sa nakasiwang na pinto ng aking silid, ngunit agad rin itong nawala.
"I'm sorry Anak, I'm so s-sorry dahil hindi ko man lang naisip na aabot sa ganito," paulit-ulit na sambit ni Mama. Hindi ko mawari kung para saan ang paghingi nito ng tawad sa akin, gayong si Gavin lang naman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit habang patuloy pa rin sa pagdadalamhati.
Matapos ay hinayaan na akong makapagpahinga ni Mama, hindi ito umalis hanggang sa mag pasya akong sandaling itulog ang lahat ng sakit na aking nadarama.
Ilang araw na buhat ng makalabas ako sa Ospital na iyon at maging ang nabali kong paa ay unti-unti ko ng nailalakad. Subalit ang sakit na dulot ng paglisan ni Gavin ay hindi na yata mawawala, bagkos ay lalo pa itong lumalala.
Ilang bote na rin ng alak ang aking nainom, ngunit hindi ito kailanman napapagpawala ng sakit sa aking puso.
"What the bloody hell Gavin? Bakit madali lang sayo na magdesisyon na iwanan ako," muling pumatak ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko lubos maisip na daranasin ko ang napakasakit na kabanatang ito ng aking buhay.
Narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok ni Mama sa pinto ng sarili kong kuwarto ngunit hindi ko ito pinansin, bumukas ito at iniluwa ang imahe ng aking Ina.
"Alex, anak? Umiinom kana naman. Hindi puwedeng lagi ka nalang ganiyan anak, makakasira iyan sa kalusugan mo," bungad ni Mama ngunit iniiwas ko na lamang ang aking paningin sa kaniya.
"At itong pagkain mo anak, bakit hindi mo na naman ginalaw?" Dagdag pa niya.
"Pabayaan mo na lang ako Ma, kaya ko ang sarili ko!" Mariin kong sagot sa kaniya. Saka ko pa lang napansin na napalakas pala ang aking boses. Nakita ko siyang mabilis na pinusasan ng kaniyang palad ang lumuluha niyang mga mata, nakaramdam ako ng awa.
"Bakit hindi ka magsimulang muli anak? Bumangon ka, kalimutan mo na si Gavin, marahil ay hindi talaga siya ang nakatadhana para sayo. Makakahanap ka pa ng lalaking mas karapat-dapat anak. Nasasaktan akong nakikita kang ganiyan," aniya. Tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata.
"Akala mo ba Ma, ganoon lang kadali iyon? Ang tagal ng pinagsamahan namin e, marami pa siyang pangako sa akin na kailangan niyang tuparin Ma!
Nakaplano na lahat ng mangyayari sa future naming dalawa, tapos sa isang tawag lang pala ng lintik na teleponong iyon magtatapos ang lahat?" Humagulhol na ako ng iyak. Parang sasabong na ang dibdib ko sa sobrang sakit. Akmang yayakapin ako ni Mama ngunit agad ko siyang napigilan.
"Lumabas kana muna Ma! G-gusto kong mapag-isa." Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya, mariin ko siyang itinulak palabas ng pinto, matapos ay agad ko itong isinarado at ini-lock. Sumigaw ako ng nakapalakas.
"Ahhhhh! Pagod na pagod na ako Lord, pakiusap tanggalin mo na ang lahat ng sakit na nararamdam ko!" Muli kong tinungga ang laman ang bote ng alak matapos ay ibinato ito sa pader ng silid ko.
"G-gusto ko ng mamatay Lord, pakiusap kuhanin mo na ako!" Unti-unting nilamon ng dilim ang aking paningin.
Araw-araw ay naging ganoon ang takbo ng buhay ko. Palagi kong nilulunod ng alak ang sistema ko, lumuluhang matutulog at gigising na luhaan pa rin. Gusto ko ng tapusin ang lahat, hindi ko na kaya itong bigat na dinadala ko.
Hindi pa sumisikat ang araw ay nagpasya akong umalis ng bahay na walang dinala kundi ang wallet at susi ng aking sasakyan. Nagtungo ako sa Lawa ng Taal kung saan madalalas naming puntahan ni Gavin noon.
Ilang minuto lang mula sa lupang kinatatayuan ko ngayon ang layo ng Islang binigay ni Gavin sa akin, ngunit ayoko ng magpunta roon kahit kailan.
Hindi ko alam kung may manual nga bang sinusunod ang mga taong gustong magpakamatay. Araw-araw ay iniisip ko kung paano magbigti o di kaya'y tumalon sa napakatarik na bangin. Dapat bang huminga muna o di kaya'y kumain ng mga paborito kong pagkain bago mamatay? Kalokohan.
Basta ang alam ko, kaya narito ako ngayon sa sikat na Lawa ng Taal ay para tuparin ang matagal ko ng pangarap. Ang wakasan na ang walang kuwenta kong buhay.
Sakay ng isang lumang bangkang de-motor na nirentahan ko sa isang matandang lalaki kanina ay sinikap ko agad na makalayo at makarating sa malalim na parte ng lawa. Hindi na ako nag-isip o huminga ng malalim. Habang mabilis na tumatakbo ang bangka ay mabilis din akong tumalon. Unti-unti na akong nilalamon ng tubig pailalim. Ang mga parte ng katawan ko na may mga butas ay napapasukan na ng mga tubig hanggang sa tuluyan na akong lumubog.
Ngunit bakit ganon? Gusto kong mamatay pero bakit iba ang sinasabi ng katawan ko? Parang nagkaroon sila ng sariling buhay. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakapaibabaw na sa tubig, patuloy sa paglangoy kahit na hindi ko naman alam kong saan ako dadalhin ng sarili kong katawan, hanggang sa salubungin ako ng nakapalaking alon. Hinayaan ko ang sarili kong tangayin hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nasilaw ako sa napakaliwanag na kalangitan nang imulat ko ang aking mga mata. Teka, nasa langit na ba talaga ako? Bakit wala akong nakikitang mga anghel. Bakit hindi ko makita si San Pedro, hindi ba't sabi nila ay ito daw ang sasalubong at mag we-welcome sa mga taong namayapa na? Luminga ako sa palagid at saka ko pa lamang nalaman kung nasaan ako.
Namangha ako sa ganda ng Islang ito. Ang mga puno ay tila alagang-alaga, napakalinis tignan ng paligid. Agad akong tumayo ngunit bigla akong nahilo at natumba.
"Gising Ka na pala."
Nagulat ako sa tinig ng isang lalaking nagsalita.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata.
"Miss, ok ka lang ba?" Muling sambit nito kaya napamulat ako.
"Carlo? Oh my gosh gising na si Miss beautiful," nabaling ang paningin ko sa isa pang taong nagsalita, babae ito.
"N-nasaan ako?" Nagtatakang tanong ko, saka muling tinitigan ang tatlong taong nakapalibot sa akin.
"Natagpuan ka naming walang malay kanina roon," turo ng babae sa parteng malapit sa tubig-lawa. Hindi ko naituloy ang sasabihin nang muling magsalita ang babae.
"Ako nga pala si Rona Mae, siya naman si Carlo at ito naman ni Niño ang boyfriend ko. Tulad mo ay napadpad lang kami rito. Medyo matagal na pero walang ni isang taong nagpupunta rito kaya hindi kami makauwi. Anong pangalan mo? Nagugutom ka ba, nauuhaw? Sunod-sunod na tanong sa akin ng babae.