"PAMAHIIN"
(Kailangang suwayin ang aso pag umalulon o naghuhukay dahil may mamatay)
✍️: Mr. Anel
?: 15
Ilang segundong paglalakad ay nakarating na sila sa tindahan at dito nga ay humiwalay na ang lalaki sa kakahawak sa kamay ni drake kaya agad na nagsalita si drake.
"Teka, bakit moko dinala dito?" pagtatanong pa ni drake sa lalaki.
Huminga ng malalim ang lalaki at tumingin sa mga mata ni drake at nagsalita.
"Nakita kita kanina na tumatawa habang kausap mo ang matanda na walang ulo." sagot ng lalaki.
Nagulat si drake sa sinabi ng lalaki kaya agad na tiningnan ni drake ang matanda at pag lingon niya ay bigla nalang itong nawala. Dahil sa mga nangyayare sa kanya ay napaisip siya.
Sino kaya yung matanda kanina?
Bakit niya tinulungan si drake?
Anong koneksyon nun kay drake?
Hindi nalang ito ininda ni drake at agad na bumili ng
Kape sa tindahan, ilang minuto pa ay natapos na siyang mamili at oras na para bumalik.
Aakmang maglalakad na pabalik si drake nang biglang may tumawag.
*Ring!.* *Ring!.* *Ring!.*
Agad na kinuha ni drake ang celpon at nakita niya na tumawag si anna kaya agad niya itong sinagot.
*Click!*
"Hello? Bakit napatawag ka pres?" pagtatanong pa ni drake.
"Ako dapat ang mag tanong sayo ehh, bakit ka tumawag kanina?" pagtatanong rin ni anna.
Oo nga pala, tumawag pala si drake kay anna kanina noong nakita niya si alexis sa bintana na dala dala ang ulo ni anna at agad niyang sinundan pero sa huli, nakita lang siya ni tita na nakipag usap sa puno.
"Nasan ka ngayon?" pagtatanong ni drake.
"Papunta ako sa bahay nila erol, dahil alam kong nanjan ka." sambit ni anna at halatang ngumiti.
"Ahh okay, nandito ako sa tindahan, aantayin kita dito." sagot pa ni drake at agad na pinatay ang celpon.
Hindi niya sinabi ang nangyare kanina at ngayon, dahil mag papanik lang si anna.
Ilang minutong pag hihintay ay may biglang isang aso ang naglakad nagpunta sa harapan ni drake at naghukay ito sa lupa.
Tiningnan lang ito ni drake dahil hindi niya alam na isang masamang pangitain iyon. At nang makapaghukay na ang aso ay agad itong umuungol at nakaharap kay drake.
"Ano kayang ginagawa ng asong yan?" sambit ni drake sa kanyang isip.
Habang umuungol ang aso ay saktong dumating na si anna at dito nga ay tumigil ang aso sa kakaungol at biglang umalis.
"Drakee!!" sigaw ni anna at agad na niyakap si drake.
Nabigla si drake at parang matatawa sa ginawa ni anna.
Bakit niya niyakap si drake?
Ngumiti lang si drake at sumagot.
"Oyy anna haha, anong balita?" sambit ni drake na mukhang kinikilig.
Sinagot naman iyon ni anna at humaba ang usapan nila hanggang sa napagdesisyonan na ni drake na bumalik na sa bahay nila tita.
Napakasaya ng dalawa habang naglalakad, nagkekwentohan sila at nag babanatan ng mga matatamis na salita.
Tawang tawa si anna at ganun rin si drake, habang nag lalakad sila ay biglang huminto si anna sa kalagitnaan ng kalsada kaya nagtaka si drake.
"Bakit?" tanong ni drake.
"K-kasi drake..." sagot ni anna habang nakatingin sa harap ng kalsada.
Agad na tiningnan ni drake ang tiningnan ni anna at laking gulat niya nang makita niya ito, may isang puting kabaong ang nakalutang sa ere.
"Annaaa!! Takboo!!" sigaw ni drake kaya agad na nagpanik si anna at dali daling tumakbo nang biglang bumukas puting kabaong at biglang lumipad si anna sa ere at papunta ito sa kabaong.
"AANNAA!!" sigaw pa ni drake at tumakbo ng mabilis papunta sa kabaong kung saan si anna doon dinala ng hangin, pero sobrang bilis ng pangyayare at hindi naabutan ni drake si anna at tuluyan na nga itong napasok sa loob ng kabaong at doon ay nag dadabog si anna at sumusigaw.
"DRAAKKEE!! TULLOONGG!!!" sigaw pa ni anna sa loob tsaka sinusuntok ni anna ang kabaong. Pero sobrang tigas.
Pilit na inabot ni drake ang kabaong na lumilipad habang si anna ay gumawa ng ingay sa loob, ilang segundo pa ay biglang lumakas ang hangin at habang iniligtas ni drake si anna ay biglang lumitaw si alexis sa ibaba ng kabaong habang dala dala ang isang itak.
Napatigil si drake sa kaka-abot ng kabaong at napatitig kay alexis.
Ilang segundo pa ay nawala na ang hangin at biglang bumagsak ang kabaong sa kaldasa tsaka may isa pang multo ang nagpapakita na ikakagulat ni drake, napatulala siya at nanlaki ang mga mata sabay sabing...
"B-brent Ikaw ba'yan?"
To Be Continue...