PLEA'S POV:
SUMUNOD kami ni Neon pababa ng gusali at halos tumalbog ang katawan namin sa lupa ni Neon kung hindi lang kami nahawakan ni Devoncourt at Cohen at halos kilabutan ako nang magsilabasan ang mga hyena mula sa loob ng building.
"Akala ko ba mas ligtas dito sa grounds kaysa sa rooftop?" inis na tanong ko kay Thud.
"Well, that's a lie."
Umigkas ang paa ko papunta kay Thud ngunit tinawanan lang ako ng gagu. Kung wala lang ako sa teritoryo nila baka pinasabog ko na amg bungo nito.
"Put them inside the jail and if you don't have anything to do, wait us inside Homare. We'll be there in s few hours." utos ni Thud sa mga tauhan nila at saka kami iginiya ni Devoncourt at Cohen patungo sa isa pang gusali. Pagpasok na pagpasok namin ay gumapang ang kilabot sa buong katawan ko nang makita ang sandamakmak na hyena sa loob ng kulungan at halos mabingi ako sa halinghing nila dahil sobrang sakit niyon ss tenga.
"Fvck!" malakas na mura ang nasambit ko nang muntikang kalmutin ng isang hyena ang braso ko kung hindi lang ako nakalayo agad.
"They're too agrresive since its their first time to smell you both. Ngunit wala silang kinikilala bukod sa Boss namin," ani ni Cohen na kalmado lang.
"Minsan ba naisip niyong ihawan ang mga hayop na 'to?" wala sa sariling tanong ko.
"Hindi." mabilis na sagot ni Thud. "Pinagbabawal sa amin na pakialaman ang mga hyena na ito at isa pa hindi ko pinangarap na makain ang karne nila dahil parang kumain na rin ako ng tao non pag nagkataon."
Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ni Thud.
"Buti nakakatagal kayo sa ganitong lugar?"
"Masanay na kayo dahil hawak na ni Boss ang Blizzard at lahat ng mahuhuli ninyo tungkol sa inyong misyon ay dito ninyo dadalhin, patay o buhay man."
Hanggang sa lumiko kami sa isang pasilyo at bumulaga sa amin ang isang kulay pilak na pinto, lumapit si Thud sa isang maliit na aparato at itinapat ang mukha nito sa sensor niyon st bumukas na ang pinto.
Naunang pumasok si Devoncourt, Cohen at Neon saka kami sumunod ni Thud sa kanila at napaigtad pa ako ng sumara ang pinto sa aming likuran nang tuluyan kaming makapasok.
Masyadong hi-tech ang lugar na ito at hindi ko maiwasang mamangha.
Hanggang sa marating namin ang intel department ng gusali, nadatnan namin ang grupo ng mga kalalakihan kasama ang dalawang babae na ngayon ko lang nakita at sa pinakagitna nila ang pinuno ng Bloodfist mafia; si Luther Aqueros Bloodfist.
Lumapit kami sa isang roung table at umupo ako sa tabi ni Neon bago nagkani-kaniyang pwesto sina Thud, Devoncourt at Cohen at saka nagsalita ni Bloodfist.
"Since everyone is here. Frost, I want you to locate the final location of Neoearth's hideout, can you do that?" nakatingin sa aking ang walang buhay na mga mata ni Bloodfist kaya nagsalubong ang kilay ko ngunit nagulat ako nang lumabas ang hologram ni Frost sa tabi ko.
"I already found it, what do you want me to do?" ani ng hologram ni Frost habang abala ito sa pagtitipa ng kaniyang computer.
"Send all the details to Martin's computer and let's come up with a plan on how to get rid of them."
Sumandal ako sa aking kinauupuan habang pinapakinggan ang pagpapalitan ng salita ni Bloodfist at Frost tungkol sa Neoearth.
As far as I remembet, isang malaking balakid ang Neoearth dahil sa ilegal na trabaho nito tungkol sa pagta-transfer ng asul na likido sa taong biktima nila at kasama roon si Aqueros.
Hinahanap ng organisasyon si Aqueros dahil siya ang alas upang maging matagumpay ang proyekto ng Neoearth ngunit masyadong ganid si Bloodfist at hindi niya pinapayagang magkrus ang landas nila ng Neoearth ngunit hindi ko inaasahan na kumikilos pala sila sa dilim.
"Blizzard will be our backup if anything happens since I can't let all the HuPoFEL members get involved in this kind of matter. Bloodfist mafia will end their reign from this world."
"Is that reason why you called us here?" walang pag-alinlangang sambit ko.
"Yes since you are also part of the high ranks inside the Blizzard but you choose if you don't want to meddle in this kind of situation since Neoearth is my problem."
Napaisip ako sa sinabi niya.
Kung pwede naman pala kaming mamili kung sasama kami sa laban nila o hindi, sana hindi na lang nila kami pinapunta rito para hindi ko maranasan ang dilubyo mula sa eroplanong 'yon ngunit narito na kami ni Neon.
"But you are our Boss and we can't do anything about it but obey your orders." sabat naman ni Neon.
"Agent Neon is right. We can lend our hands to you if it's needed."
Napatango-tango si Bloodfist at saka kami nagpatuloy sa pag-uusap tungkol sa plano at makalipas lamang ang isang oras, pinayagan na kami nitong makabalik sa Pinas.
"Damn, the air inside that room is too heavy." bulong ni Neon sa akin habang sumusunod kami kay Thud papuntang rooftop since ihahatid kami nito pauwi ng Pinas samantalang maiiwan naman ni Cohen at Devoncourt dito sa Iceland.
"Naramdaman mo rin pala? Akala ko mawawalan na ako ng hininga."
"Kakaiba kasi ang presensya ni Bloodfist kaysa sa mga bigating nilalang sa mundong ginagalawan natin. Isa siya sa mga ayaw kong makadaupang palad ngunit wala akong magagawa dahil siya ang bagong Boss ng Blizzard."
Nagkibit-balikat na lang ako dahil tulad ni Neon ay hindi na ako makapag reklamo at kung gagawin ko man, baka bumulaga na ako sa kinatatayuan ko.
Hanggang sa makabalik kami ng Pinas, agad kong pinaharurot ang motor ko pabalik sa bahay ni Cruel at tinitiis ang pintig ng sintido ko dahil sa aftershock ni Homare.
Pagkarating ko sa bahay, sa b****a pa lamang ng pintuan, isang mabigat na palad ang dumapo sa aking pisngi at dala ng gulat ko ay nabuwal ako sa harapan ng pintuan at nasapo ko ang nasaktan kong pisngi at tumingala sa taong gumawa niyon sa akin.
Si Cruel.
"Where have you been!?" nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at namumula ang pisngi niya dahil sa alak na iniinom nito. Tanging bathrobe lamang ang suot nito at lantad sa akin ang kalahati ng dibdib nito.
"C-Cruel..." kinakabahang tanong ko.
Akala ko ay sa susunod na linggo pa siya uuwi ngunit bakit narito na ito sa harapan ko?
"I'm asking you where have you been!? Are you doing something behind my back!?" hinawakan ni Cruel ang buhok ko at gigil niya akong itinayo at napatili ako nang itapon niya ako sa sahig.
"M-May inasikaso lang ako, bakit ba galit na galit ka-- Ahh!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko nang paputukan ni Cruel ng baril ang tuhod ko ngunit wala akong karapatang dumaing kaya tahimik na dinadamdam ko ang hapdi.
Nahagip ng mata ko si Suzy na nakasilip mula sa kusina at sumenyas ito sa akin na tila ginigilitan ang kaniyang leeg, meaning, patay ako kay Cruel.
"C-Cruel, magpapaliwanag ako--" muli kong naitikom ang aking bibig nang tumama sa kabila kong hita ang bala mula sa hawak niyang baril na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Explain what? How many times do I have to tell you that you're not allowed to go outside!? You are mine alone, Plea, but what did you do!?"
Napapikit ako nang sa ikatlong putok ng kaniyang baril ay dumaplis 'yon sa balikat ko.
"S-Sayo lang ako, Cruel. P-Please, kumalma ka," gumapang ako palapit kay Cruel at niyakap ko ang kaniyang binti ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi nagbabago.
Hinawakan ni Cruel ang braso ko na nadaplisan ng bala at pinilit ako nitong itinayo at kinaladkad ako paakyat ng hagdan.
Hindi ko inaasahan na bubungad sa akin ang galit na si Cruel at mukhang may ginawa na namang katarantaduhan si Suzy habang wala ako.
Pagkarating namin sa ikalawang palapag, sinipa ni Cruel ang pinto ng kaniyang kwarto at nawasak 'yon st pabato ako nitong itinapon sa kama at walang pagdadalawang isip na kinababawan ako nito at sinibasib ng halik sa aking labi na halos magkandasugat ang balat ko.
"C-Cruel..." pigil ko sa lalaki ngunit masyadong marahas ang ginagawa nito sa akin. Sapilitan niyang pinunit ang sando na suot ko kasama ang bra ko maging ang leather pants at parang sinulid lang na hinila ni Cruel.
Tumakas ang luha sa mga mata ko dahil sa sakit na pinaparanas ni Cruel sa akin ngunit wala akong magawa kundi ang hayaan siya sa gusto niyang gawin.
"C...Cruel..." my voice cracked because of my tears at tila nabuhusan ng malamig na tubig si Cruel at natataranta itong bumangon mula sa kama.
"Fvck!" nagmartsa ito palabas ng kwarto kaya tuluyan akong napahagulgol ng iyak dahil bukod sa sugat na natamo ko mula sa halik at pagkakahawak niya, sumisirit ang dugo sa hita at balikat ko.
"Plea," tawag ni Ruwen sa akin nang pumasok ito sa kwarto nang hindi alintana ang kahubaran ko.
"U-Umalis ka rito, Ruwen kung ayaw mong mapagbalingan ni Cruel," nanghihinang pagtataboy ko sa kaniya ngunit umupo lang ito sa gilid ng kama.
"He's the one who told me to tend your wounds, Plea. Come on, let me clean your wounds."
Wala na akong nagawa kundi ang hayaan si Ruwen at narinig ko na lamang ang langitngit ng kotse palayo sa mansyon.