Bago makalapag ang eroplano na sinasakyan nang magkasintahang Sarah at Harvey. Nauna nang lumapag ang eroplanong lulan si Margarette. Pagkababa ng dalaga, agad s'yang sinalubong ng mga tauhan ng palasyo. Tauhan ng hari. Nagulat siya sa nasaksihan, ngunit kinalma niya ang sarili. Kabado siya dahil bakit mga tauhan ng Hari ang nandito, ang alam niya ang susundo sa kanya ay tauhan ng ama niya. "Good day, Lady Margarette! The King of Edinburgh invited you to the Palace. Please come with us," bungad na wika ng isa sa butler ng palasyo sa kanya. Alangan man kung bakit siya iniimbitahn ng Hari, pero kalaunan pumayag na rin siya. Baka kung ano pa ang gawin ng mga ito sa kanya. Kailangan niyang mag-ingat lalo at may mga plano sila ng kanyang ama. Habang lulan ng sasakyan patungo sa palasyo, pasim

