Episode 5

2037 Words
CHAPTER 5 MATAPOS mag-usap nila Lord Harvey at Sarah mabilis na nagpaalam ang binata. Hindi kasi siya puwede na makipag-usap ng matagal sa Babymaker niya lalo at silang dalawa lamang sa kuwarto, baka kapag may nakakita agad siyang bigyan ng issue, ng kung sino mang paparazzi sa bansa ng Pilipinas. Alam ng binata na kailangan niyang maging anonymous sa babaeng kinuha niya para maging babymaker niya,kaya lang mula ng makita niya ang full body picture nito na ipinasa kasama ng application papers nito. Naging iba na ang pakiramdam niya. Feeling niya may connections sila ng dalaga, hindi niya lang mawari kung ano iyon. At nang makita niya ito ng personal, he knew they have connections. Whatever is that he will find out by himself. For now he will hide from the woman for the meantime. He called his best friend s***h assistant to find accommodation for Sarah. Actually it isn't needed, he knew that the woman has own house. But he wants the woman to be hidden for some time until she delivers the baby. "Niccolo, make it near our unit, and it should have a connecting door so we can check her from time to time." anito sa assistant. Niccolo on the other side is thinking why his Lord is looking for accommodation for the woman? And why he agreed to meet his surrogate woman in person. What does it mean? He had an idea but he’s refusing to believe it. Maybe it's just a false alarm. He can’t fall in love with the commoner. They are currently in Manila now and are leasing a huge condo for them to stay in the country. They will stay in the Philippines until the woman they hire for surrogacy delivers the baby that Lord Harvey needs. Mayroong bakante na unit sa katabi nila, sakto naman sa sinabi ng kanyang amo. Nang makalabas na si Sarah ng exclusive hotel, agad siyang pumara ng taxi para magpahatid sa hospital. Ibinilin niya lamang ang kanyang ina sa nurse na attended ng oras na iyon dahil nga inasikaso niya pa ang pinasok n’yang trabaho. Pero trabaho nga bang matatawag ang isanla niya ang kanyang sinapupunan? "Girl, ano kumusta? Okay na ba ang, alam mo na? Hindi ba masakit, girl? Ano'ng feeling?" ito agad ang bungad na tanong ng kaibigan si Jenny. Hindi niya expect na nandito ito sa hospital. "Okay naman ako, girl. Nakakapanghina lang dahil sa nerbyos ko kanina. Mabilis naman ang proseso na ginawa ng doctor. Kaya 'di rin ako nagtagal doon." Aniya sabay upo sa may gilid ng hospital. Nasa entrance pa kasi siya nang bumungad ang kaibigan. Hinahapo siya sa natuklasan na ang sponsor niya ay ang taong pinapangarap niya. "Mabilis lang? Eh, bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya ako rito naghihintay sa iyo. Tinanong ko ang nurse na naka-duty sa mama mo ang sabi, maaga ka raw umalis? Saan ka pa nagpunta, after mo sa doctor?" Wika nito at tinabihan siya sa pag-upo. "Diyan lang sa tabi-tabi, nag-iisip." pagsisinungaling niya rito. Hindi niya puwede ipagsabi na nakita niya na ng personal ang minimithing lalaki at ang worst, sponsor niya pa. "Gano'n? Nagsisisi ka na ba dahil sa pinasok mo? Sorry girl, ah, iyon lang kasing alam ko na mabilis makahanap ng pera at ma-ipagamot agad ang mama mo. Isa rin ako sa dapat sisihin mo. Kung magagalit ka sa akin, okay lang. Tanggap ko naman, girl. Huwag mo lang sarilinin, huh, nandito ako, nandito kami ni Nica." usal nito na naiiyak pa. "Sira, bakit naman kita sisihin? Ang laki kaya ng naitulong mo sa akin. Tama ka nga noon, girl, kapag naghirap ako, sa kangkungan talaga ang bagsak ko. Kaya ito, lunod sa isang lawa ng problema." Sagot niya at pinahid ang luhang pumatak sa mga mata niya. "Hay, naku, huwag mo na isipin iyan. Ma-i-stress ka lang. Ang mabuti pa mag shopping muna tayo, girl, alam kong na-miss mo iyon. Don't worry, treat ko, pero iyong mura lang, huh, kilala pa naman kita. Puro ka si branded." Anito ng kaibigan at kunwaring umismid pa sa kanya. Natawa na lamang siya. Gumayak silang muli at nagpaalam muna siya sa nurse, baka kasi mag-expect ito na siya na ang magbabantay sa ina niya. ------------------ Mabilis lumipas ang araw, dalawang linggo na mula nang mangyari ang insemination n'ya, so far wala pa naman siyang nararamdaman. Madalas din siyang hingan ng update ni Niccolo. Ito ang laging tumatawag sa kanya. Speaking of tumatawag, biglang nag-ring ang phone niya. Agad niya itong sinagot dahil alam niyang si Niccolo ito. "Hello," sagot niya sa tawag. "Yes, hello Miss Sarah, are you free today? I need you to come in an address that I will send to you. This is about your accommodations to live-in while your pregnant, soon." wika nito sa kabilang linya. Tama nga siya ang assistant muli ng kanyang sponsor. Hiling niya minsan na sana boses naman nito ang marinig niya. Para naman makakuha siya ng pag-asa kahit konti. Pag-asa na kahit isa siyang Babymaker, ay may chance rin siya na kausapin ang man of her dreams. Iyong hindi siya pandidirihan. Gano'n. "Yes, Sir. You can send the location now, and I will straight to go there before I visit my mom in the hospital." aniya. Sa isip n'ya masyadong nagmamadali ang amo niya, malakas ang expectations nito na mabubuo sa kanya ang sperm nito. Agad niyang binaba ang tawag ng sabihin nitong hintayin niya lang ang text nito. 'Di rin nagtagal ay natanggap niya na ang location. Nasa bandang Makati ito, malapit konti sa hospital ng pinuntahan nila para magpa-inseminate. Mabilis siyang pumara ng taxi at sinabi ang lokasyon na pupuntahan niya sa driver. Hindi niya alam kung excited siya na makikita sila ng assistant ng kanyang sponsor o ang makita ang sponsor niya. Dalangin niya na sana makita niya itong muli. Hindi na siya nagchi-check sa internet kung ano na ang balita sa lalaki, dahil personal niya na itong nakita at alam niya na ang update news dito. "Kung hindi siguro ako naghirap at pinasok ang surrogacy, baka hindi na kami magkita pa ni Lord Harvey. Pangarap ko siya noon na makita ng personal, pero hindi ko naman akalain na makikita kami sa ibang sitwasyon. Siguro diring-diri siya sa akin?" kausap niya sa sarili niya. Mula kasi talaga nang makita niya ito, hindi na maalis sa isip niya na baka negative ang first impression nito sa kanya. Nawawalan na siya ng pag-asa para sa lalaki. Nang makarating siya sa lokasyon na sinabi ni Niccolo, agad siyang bumaba ng taxi at nagbayad. Hindi niya na kinuha pa ang sukli. Excited kasi siya sa mangyayari ngayon. Kahit naman na malungkot siya para sa ina niya hindi naman puwede na hindi niya bigyan kahit konti ang sarili na maging masaya. Dati ang nagpapasaya sa kanya ay ang walang sawang pagsho-shopping, ngayon iba na. Abot kamay niya na ang Lord ng buhay niya. Pagkapasok niya sa isang exclusive condo building, namangha siya. Ang yaman talaga ng sponsor niya. Iyon ang naiisip niya. Sinalubong naman agad aiy ani Niccolo pagkapasok niya sa entrance. Nandoon na ito Kanina pa at siya na lang hinihintay. Ngumiti siya rito at bumati. "Good morning, Sir Niccolo." aniya sa binata. "Good morning, too. Let's go. The agent of the unit that we choose for you is waiting upstairs." bati rin nito at agad siyang iginiya papunta ng elevator. Nasa thirty seven floor ito. Masyadong mataas ang building. Tinignan niya kung ilang floor ang nasa number ng elevator, nasa forty lahat ito. " Grabe sobrang taas naman nito." wala sa sariling usal niya. Narinig naman siya ni Niccolo. "What did you say?" tanong nito sa kanya, hindi kasi ito nakakaintindi ng tagalog. Minsan ayaw niya na makipag-usap dito kasi nauubusan siya ng baon na English. "Nothing, Sir. I just said, it's too high this building, Sir." Sagot niya sabay umusod papunta sa likod nito, sumandal siya sa pader ng elevator. Nakakahilo kasi ang elevator lalo kung napakataas ng kanilang aakyatin. Ito ang hindi niya nakasanayan, ang elevator. " Oh , okay. Why are you at the corner? " tanong muli nito. Gusto niya nang sagutin ito na huwag siya laging kausapin, nauubos ang I ipon niyang English, inaalala niya pa na baka pag-akyat sa taas Nandoon ang kanyang prince charming, baka hindi niya na ito makausap pa. "Nothing, Sir. Just a bit dizzy. I'm not used riding in the elevator." sagot niya naman. "Okay. You can relax and close your eyes. I'm sorry if we choose the higher floor for you. We just want you to hide a little to the public. You know, it's for your own good, too. You know what I mean, right?" sambit nito sa kanya. Alam niya kung bakit. Kasi baka mamaya dumugin siya ng mga tao kapag nalaman na dadalhin niya ang soon to be baby ng sikat at gwapong Lord sa Scotland. Ilang minuto pa ay narating din nila ang designated floor. Paglabas niya ng elevator, agad bumungad sa kanya ang dalawang pinto lang ng unit. "They only have two units here. This is exclusive and expensive unit. My boss chose this for you so you have your privacy but be careful of people, who you meet here, once you transfer to stay here. As much as possible, no one will know about you status. Do you understand?" anito sa kanya. Tumango na lamang siya. Ilang ulit sinasabi sa kanya na huwag siyang magsasalita. Very confidential ang agreement nila. Pinasok nila ang unit at sobrang laki nito. Parang hindi lang siya ang titira rito. Dahil kumpleto sa gamit. Fully furnished ika nga. Damit niya na lang ang dadalhin niya. "Masarap pala maging parte ng buhay ni Lord Harvey, nakakaalwan sa buhay." wika niya sa sarili. Mayaman sila noon, pero hindi niya pa nararanasan ang ganito kabonggang unit. "Tomorrow, you can transfer here. Everything is settled. Your food is all prepared, as well." Nagulat siya sa tinuran ng lalaki. Bukas agad siya lilipat? Hindi pa siya handa. Kaya lang wala siyang choice kung hindi sundin ang iniuutos nito. "Iyon siguro ang utos ng sponsor niya, kaya kailangan sundin. Sungit pa man din noon nung makita ko sa personal." kausap niya sa sarili. Hindi niya talaga lubos maisip na nangyayari ito. KINABUKASAN, nakahanda na ang gamit niya. Tinakpan niya muna ang mga kagamitan nila sa mansion para hindi ito masyadong maalikabukan. Bibisita na lamang siya rito kapag may pagkakataon at kukuha rin siya ng tagapaglinis ng bahay nila. Nagpaalam siya sa kaibigan si Jenny thru text messages dahil wala na siyang time na katagpuin pa ito. Maging si Nica ay sinabihan niya rin na lilipat muna siya. Baka kasi bigla siyang bisitahin ng mga kaibigan sa bahay nila, kaso wala siya rito. Nang maayos niya na ang lahat, nag-message siya kay Niccolo na okay na ang lahat. Susunduin daw kasi siya nito. Hindi siya puwedeng sumakay ng public vehicle. Masyadong istrikto ang boss daw nito. Kailangan lahat detalye at hindi malalaman ang sekreto nila. "People might think that my boss is barren, that's why he hired you. And also he wants to protect you if ever people throw bad words at you.” Iyon ang huling sinabi sa kanya ni Niccolo nang minsan niyang tinanong kung bait ayaw malaman ng boss nito na may kinuha itong surrogate mother. At nauunawaan niya iyon. Kinilig rin siya ng sobra sa sinabing concern ito sa kanya oras na ma-bash siya ng mga tao. Ayaw rin nitong mapahiya siya. People are cruel sabi pa ni Niccolo sa kanya. Ilang sandali pa dumating na rin ang kanyang sundo. Ngunit nagulat siya nang pagbukas niya ng pinto sa backseat ay nabungaran niya ang kanyang sponsor na seryoso itong nakatingin lamang sa kanya. BIgla siyang nailang sa mga titig nito. Feeling niya hinuhubaran siya nito. Ang assumming niya na rin minsan. Syempre kahit pangarap lang na titigan siya nito ay super happy na siya, ngayon pa kaya na nangyayari na? Nag-aalangan siyang sumakay kasi makakatabi niya ito sa upuan. Bubuksan niya na sana ang shotgun seat sa harap ng magsalita ito. “You can sit here Young lady, I won’t mind.” Agad naman siyang sinenyasan ni Niccolo na sumunod na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD