Abala sa pagsasalansan ang ginang sa loob ng library ng yumaong asawa. Pinapunta niya muna kasi ang isa nilang ka tiwala sa palengke upang bilihin ang mga kailangan niyang rekados. Dahil sa matagal pa bago ito makabalik Kaya naiisip niyang mag-ayos muna sa library. Mula nang yumao ang mahal na kabiyak, hindi na mulis syang pumasok dito, ngayon na lamang muli. Siguro dahil matagal na rin na wala na ang asawa kaya niya nang magtagal sa loob. Natatakot kasi siya noon pumasok rito dahil ito na nga ang madalas opisina ng asawa, noon. Kaya maraming alala ang naiwan sa loob ng silid. Minsan nandito rin siya kasama ang kabiyak sa tuwing gusto niya itong makausap ng solo. O, di kaya kapag gusto niyang maglambing sa asawa. Nakakahiya man amin in pero may ibang alaala sila ng asawa rito nung panahon

