Kinabukasan sabay, sabay na ng almusal ang tatlong amo nila sa bahay, ang Don ang anak ng Don at ang apo ng Don.
Sa hapag kainan maingay ang Don at pinagagalitan nito si Kenzo at sa naririnig niya tungkol sa frat house kaya nagagalit ng husto ang Don. Hindi naman niya naririnig na sumasagot si Kenzo ang Papa nito ang sumasabat at sinasabing ito na lang daw ang kakausap kay Kenzo.
"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan, Kenzo! Ilang buwan na magtatapos ka na at magkakaroon ka na ng posisyon sa Fisher Companies, pero sa nakikita ko sa iyo hindi ka pa handa! Masyado ka kasing bine-baby ng Mama mo!" Galit na saas ng Don kay Kenzo.
"Pa, ako na po bahalang kumausap kay Kenzo,' saad ng Papa ni Kenzo.
Nanatili namang tahimik si Kenzo at patuloy sa pagkain ang atensyon nito. Ni hindi nito sinusulyapan ang Don na galit na galit na rito.
Kung hindi pa siya binulungan ng Tiyahin na tapos na siyang mag ahin at magtungo na sila sa kusina, hindi pa niya maaalala na masyado palang obvious ang pakikinig niya sa mga amo.
Hanggang sa makapasok siya ng kusina tuloy pa rin ang pag sermon ng Don kay Kenzo. Para tuloy siyang naaawa sa batang amo, pero para rin naman rito ang lahat ng sinasabi ng Don.
"Ano po ba ang meron sa frat house?' Tanong niya sa Tiyahin nang nasa kusina na sila.
"Naku huwag mo nang alamin, Aila. Maghanda ka na at papasok ka pa," tugon sa kanya ng Tiyahin.
Hindi na lang din siya kumibo at kumilos na para maghanda sa kanyang pagpasok sa university. Sa De La Cerna University madalas niyang makasalubong si Kenzo o di kaya makita ito kasama ang mga barkada nito, hindi naman siya pinapansin nito na para bang hindi siya nito kakilala. Katulong lang kasi siya at amo niya ito, kaya hindi siya dapat umasa na pagdating sa labas eh kakausapin at papansinin siya ni Kenzo.
Matapos makapagbihis agad na rin siyang nagpaalam sa Tiyahin na papasok na sa eskwelaan. Nang sabihin ng Tiyahin na magpunta muna daw siya sa library at nais siyang kausapin ng Don.
"Bakit daw po?" Tanong niya. Ngayon pa lang kasi siya pintawag ng Don para kausapin mula ng dumating siya sa mansyon.
"Hindi ko rin alam Aila, wala naman binanggit ang Don. Magpunta ka na lang sa library," tugon ng Tiyahin niya.
"Sige po," tugon niya at kumilos na para magtungo sa library.
Habang naglalakad napapaisip siya kung ano ang kailangan sa kanya ng Don. Sa pagkakaalam niya wala naman siyang nilalabag sa loob ng mansyon pati na sa university.
Kumatok siya sa pintuan ng library at hinintay na magsalita ang Don na nasa loob bago siya tuluyang pumasok sa loob.
"Magandang umaga po," bati niya sa Don.
"Aila, papasok ka na ba sa eskwelaan? Bihis ka na pala. May oras ka pa ba para kausapin ako?' Tanong ng Don sa kanya na nakaupo sa tapat ng mesa nito.
"Maaga pa naman po," nahihiyang tugon niya at huminto sa di kalayuan mula sa mesa ng Don.
"Halika, Aila lumapit ka,' saad ng Don na mabilis naman niyang ginawa.
"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo ang pag-uugali meron ang nag-iisang apo kong si Kenzo,' simula ng Don sa kanya. Banayad siyang tumango kahit wala naman talaga siyang idea kung ano nga ba ang ugali meron si Kenzo. Para kasi sa kanya nang makakwentuhan niya ito sa tabi ng swimming pool, ok naman ito, mukha namang mabait at marunong makisama.
"Mula ng umalis dito sa mansyon ang Mama ni Kenzo nagbago na ang batang iyan. Naging matigas ang ulo at puro na lang barkada ang inaatupag! Nakikita kong naliligaw ng landas ang aking apo, lalo na't isa siya sa leader ng fraternity dito sa ating bayan,' litanya ng Don. Wala naman siyang maikomento dahil wala pa siyang alam tungkol sa bagay na iyon. Tahimik lang siyang nakikinig rito.
Anyway, Aila kaya kita nais makausap may nais sana akong ipakiusap sa iyo hija," saad ng Don sa kanya.
"Ano po iyon?" Tanong niya. Wala siyang idea kung ano ang nais ipakiusap sa kanya ng Don pero parang may kinalaman sa nag-iisa nitong apo na si Kenzo.
"Sa De La Cerna University pwede bang pakibantayan ang apo kong si Kenzo, para alam ko kung ano ang mga pinaggagagawa niya sa eskwelaan at kung saan-saan siya nagpupupunta. Gusto kong maging personal kang tagabantay nu Kenzo at i report mo sa akin ang lahat ng kanyang ginagawa, kahit maliit na bagay lang i report mo pa rin sa akin," litanya ng Don sa kanya.
"Ako na ang bahala sa allowance mo Aila. Bukod sa libre na ang tuition mo, ako na rin ang sasagot sa allowance mo, at hindi mo na kailangan pang magtrabaho dito sa mansyon. Ang kailangan mo lang gawin ay sundan si Kenzo at samahan siya," patuloy ng Don sa kanya.
Nagbuka siya ng bibig pero walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Nanatili siyang nakatingin sa Don.
"Ang kailangan mo lang gawin ay samahan si Kenzo saan man ito magpunta. Sa University pakitignan mo siya habang wala ka lang klase. After ng klase hintayin mo siya at samahan. Hangga't maaari sabihan mo siyang umuwi agad at ituon ang kanyang atensyon sa pag-aaral at hindi sa barkada nito. Lahat ng makita mo kay Kenzo tama man o mali, i report mo sa akin Aila," litanya ng Don sa kanya.
"Ah.. Eh.. Don, ano po kase...," hindi niya malaman ang sasabihin. Nais niyang tumanggi dahil alam niyang hindi niya kayang gampanan ang utos nito.
"Bukod sa allowance mo Aila, tatanggap ka pa ng bente mil ka da buwan sa akin,' saad ng Don. Bagay nagpantig sa kanyang tenga na kahit naman yata sino hindi na kayang tanggian pa.
Libre paaral na siya may allowance pa, tapos sa mansyon pa siya nakatira at libre lahat ultimo pagkain. Hindi niya kailangan gastusin ang twenty thousand na idadagdag sa kanya ng Don. Makakaipon pa siya hanggang sa maka graduate siya at makakabukod na rin sa wakas.
"Sige po. Tinatanggap ko po ang trabaho," tugon niya sa Don.