Kenzo's POV
"Utos po ng Don na bantayan ko po kayo dito sa University at sa mga lakad niyo po kasama ang mga barkada niyo Sir Kenzo," saad sa kanya ng batang kasambahay nila sa mansyon.
Pagbalik niya galing Europe para makasama ang Mama niya nadatnan na lamang niya ang batang kasambahay sa mansyon, at nabanggit ng kanyang lolo na pamangkin daw ito ng isa sa mga kasambahay nila roon, at tinutulungan daw ng lolo niya ang batang kasambahay para makapagtapos ng pag-aaral. Hindi na rin niya kinagulat pa nang malamang sa De La Cerna University rin pumapasok ang kasambahay nila kung saan din siya nag-aaral.
Sa ilang beses pa lamang niyang naka encounter ang batang kasambahay nila na nakalimutan na niya kung ano ang pangalan, at masasabi niyang may itsura ang babae, at bata pa talaga, pero hindi naman nalalayo marahil sa edad niya. Kung titignan ito hindi mo aakalaing isang kasambahay lamang ito, dahil bukod sa maganda ito may makinis din itong kutis na hindi nalalayo sa mga babaing anak mayaman. Matangkad ito at may may petite na pangangatawan na bumagay sa maamong mukha nito. Walang mag-iisip na isa itong kasambahay sa ganda ng mukha nito. Sadyang hindi lang pinalad ang babae na magkaroon ng may kayang pamilya, kaya kahit sa murang edad nito nagtatrabaho na ito. Hindi ito maselan dahil kahit ang pagiging katulong ay pinasok nito.
"Pasensya na po Sir Kenzo sumusunod lang po ako sa gusto ng Don,' saad nito sa kanya.
"Magkano naman ang binayad sa iyo ng lolo ko?' Tanong niya sa dalaga.
Nagyuko ito ng ulo, marahil nahihiya dahil pera ang usapan rito. Hindi naman na siya magtataka kung masilaw ito sa kakaunting barya, dahil nga galing ito sa hirap.
"Ang Lolo niyo po ang nagpapa-aral sa akin Sir Kenzo," tugon sa kanya ng babae nang mag angat ito ng ulo. Tinignan siya nito sa mga mata, nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Baka iniisip nito na kinakawawa niya ito.
"Ok, ano ba ang utos sa iyo ng lolo ko?' Tanong niya at pinagsalikop ang mga kamay sa hinaharap at hindi inalis ang mga mata sa kaharap.
Hindi na siya magtataka pa kung bakit pinag aksayaan ng panahon ni Jeremiah ang babaing nasa harap niya ngayon. Maganda naman kasi talaga ito, iyung tipong hindi ordinaryong ganda kundi unique at natural. Karamihan na kase sa mga babae ngayon makakapal ang make up at kung anu-ano ang nasa mukha para lang masabing maganda. Pero ang babaing nasa harapan niya ngayon wala kahit anong make up sa mukha, wala din ano mang accessories kahit hikaw man lang wala itong suot. Sadyang natural ito at masasabi niyang may malakas na appeal ang babae. Iyung tipong hindi na nito kailangan pang magpakita ng cleavage or more skin, sapat ang magandang mukha nito.
"Nais po ng Don na samahan ko kayo Sir Kenzo, para po magabayan kayo at hindi po maligaw ng landas,' tugon nito sa kanya.
Hindi niya napigilang matawa sa sagot nito. Na para bang naliligaw na siya ng landas. Well, aware siya sa nangyayaring pagbabago sa kanya mula nang maghiwalay ang Mama at Papa niya, maraming nagbago sa buhay niya, marami siyang ginagawa ngayon na dati naman niyang hindi ginagawa, tulad na lamang ng pag sali niya sa isang Fraternity na siya pa mismo ang nag leader, ginawa pa niyang frat house ang iniwang bahay sa kanya ng kanyang Mama na nasa Europe ngayon mag-isang namumuhay dahil sa walang paninindigan ang kanyang ama at hindi nito naipaglaban ang kanyang Mama sa pagmamalupit ng Don. Mahilig magmanipula ang Don at ang tanging gusto nito ay ang mga taong sumusunod rito at may pakinabang rito.
"Sir Kenzo isa lang po akong katulong sa mansyon at aaminin ko pong malaking alaga na po sa akin ang bayad ng Don para po sa pag-aaral ko," saad nito sa kanya.
"I understand you...," natigilan siya hindi kasi niya maalala ang pangalan ng babae.
"What's your name again?" He asked.
"Aila po, Sir Kenzo," tugon sa kanya ng babae na napaka inosente ng mukha pati ng pananalita nito, malayong-malayo sa mga babaing nakakasalamuha niya.
"Aila, ok.. Nice name," he said. May sasabihin pa sana siya nang mamataan na paakyat ang grupo ni Raven ang girlfriend of the month niya na siyang kalaro niya ngayong buwan, nais na nga niyang makipag hiwalay rito at kumukuha lang siya ng tyempo, ang Kuya kasi nito na si Ryan ay isa din sa leader ng kanilang fraternity at baka mapaiyak niya si Raven tiyak na magkakagulo rin sila ni Ryan, mukha pa namang mahirap banggain ang tulad ni Ryan, pero hindi naman ibig sabihin non hindi na niya hihiwalayan pa si Raven.
"Kenzo!" Kunot noong tawag sa kanya ni Raven. Nakabuntot na naman rito ang dalawa nitong alalay na kung uto-uto rito.
"What are you doing here?" Tanong sa kanya ni Raven at napasulyap kay Aila na napalingon sa grupo. Nakita niya kung paano tignan ng tatlong babae si Aila mula ulo hanggang paa. Sa uri pa naman ng pananamit ni Aila, malayo na sa klase ng pananamit ng tatlo, masyado pa rin kasing probinsyana ang datingan ng pananamit nito, isama pang halatang luma at maraming beses ng naisuot nito ang damit, and also pansin niya agad na hindi branded ang suot nito, iyung tipong nabibili lang sa bangketa.
"Who is she?" Sunod na tanong ni Raven at humakbang palapit sa kanya habang hindi pa nito inaalis ang mga mata kay Aila. Sinulyapan siya ni Aila at naghihintay ito sa isasagot niya.
"Estudyante siya rito, siya si Aila," pakilala niya kay Aila.
"I don't care! What is she doing her with you? Bakit kayong dalawa lang ang narito?" Maarteng tanong ni Raven sa kanya na sinundan pa ng bulungan ng dalawang alalay nito sa tabi ni Aila habang minamata ang dalaga.
"Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa iyo iyan Raven?" Inis niyang tanong rito at hindi tinago ang pagka yamot. Wala naman siyang pakialam kung magalit ito o magselos ito dahil nadatnan siya nitong may kausap na babae. In fact wala siyang pakialam sa damdamin nito, lalo na't tapos na siya rito. Nais na niyang maghanap ng bagong makakalaro.
"Oh... Kenzo," bigla ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Raven. Kung spoiled brat ito at sanay na nakukuha ang gusto at napapaikot nito ang mga tao sa paligid nito, well, iba siya. Wala siyang pakialam rito o kahit na kanino pa. Mas center niya ang sarili niya.
"I'm sorry, babe, kung nainis ako," paumanhin sa kanya ni Raven at hinaplos pa siya nito sa pisngi. Agad naman niyang inalis ang kamay nito sa pisngi niya at umatras para iwasan ito.
"May klase pa ko," he said at kumilos na para iwan si Raven at grupo nito.
"Kenzo, wait," pigil sa kanya ni Raven at hinabol pa siya nito.
"May party si Kuya mamayang gabi yatch party. Sunduin mo ko," pagpapa cute sa kanya ni Raven. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinulyapan si Aila na nakatingin sa kanya.
"Magkita na lang tayo sa party," tugon niya kay Raven saka nagtuloy sa paglalakad pababa ng hagdan wala siyang pakialam sa girlfriend niya eh hindi naman siya seryoso rito, nakikipaglaro lang naman siya and also naglilibang lang. Iniwan rin niya si Aila sa tatlo bahala na ito kung paano malulusutan ang pagka maldita ni Raven at mga alalay nito.
Habang pababa siya ng hagdan hindi niya maiwasang makaramdam ng inis sa lolo niya dahil sa kawalan nito ng tiwala sa kanya, at kinailangan pa nitong ikuha siya ng yaya para bantayan siya. Yes, lately, he is acting weird, but still he is aware sa kanyang actions, hindi naman niya hinahayaan na maging patapon ang kanyang buhay. Nais lang niyang ipakita sa Don at sa kanyang Papa na bata pa rin siya at kailangan niya ang kanyang Mama.
Everything changed nang umalis ng mansyon ang Mama niya. Sobrang lungkot at nawalan ng kulay sa mansyon. Hindi pa malinaw sa kanya ang lahat, dahil hindi naman sinasabi ng kanyang Mama ang totoo sa tuwing nagtatanong siya. Sa mansyon naman pinagbawalan siyang banggitin ang pangalan ng kanyang Mama at mag usisa sa nangyaring paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
His life before was so perfect. Namulat siya sa magandang pamilya, nagka isip siya at lumaki sa gabay ng kanyang Mama na puno ng pagmamahal. Until nag decide ang Papa niya na lumipat na sila ng mansyon kasama ang lolo niya. Doon na nagsimula ang paunti-unting pagbabago sa pagsasama ng kanyang Papa at Mama, until isang araw nagising na lamang siyang broken family na ang dating masaya at perfect niyang pamilya. Hindi pa naman nagtatapos dito ang lahat, soon aalamin niya ang tunay na dahilan ng Don kung bakit tila ito ang may kasalanan sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
"Ano siya Yaya? Secretary? Personal Maid?" Bulong na tanong niya sa sarili nang makababa na ng rooftop at tumingala siya hindi pa nakasunod sa kanya si Aila, paniguradong ginigisa na ito ng grupo ni Raven. At least ngayon pa lang alam na nitong hindi madali ang trabahong pinasok nito.