"Wala bang lalake sa probinsya niyo at wala kang naging boyfriend ni isa?" Tanong niya kay Aila. "Hindi po ako easy to get at lalong hinding-hindi po ako kagaya ng mga babae sa fraternity niyo!" Tugon nito sa kanya. Nahimigan niya ang inis sa tinig nito, mukhang nainis sa nasabi niya. Nakakapagtaka lang kase na sa ganda naman nito ni minsan hindi pa pala ito nagka boyfriend at siya pa ang unang lalaking nakahalik rito. Eh hindi lang naman niya ito basta hinalikan kanina, nahawakan na rin niya ang hinaharap nito na masasabi niyang malaki at nagustuhan niya ang lambot. "Bakit ano ba ang mga babae sa fraternity?' Tanong niya rito kahit na gets naman niya ang ibig nitong sabihin. "Liberated po silang lahat. Kung saan-saan nakikipag halikan! Iyung iba hindi lang po halikan ang ginagawa!" Tu

