"MAMA, ayoko!" matigas na sabi niya. Kaagad niya itong hinarap pagka-alis ng mga Mondragon. "Hindi ako magpapakasal sa Hercules na iyon!"
Binitawan ng ina ang hawak na ballpen at hinarap siya. Kasalukuyan itong naglilista ng mga kamag-anak nila. Pakiramdam niya'y sasabog na ang dibdib niya sa sobrang dami ng emosyong ayaw niyang maramdaman. Everything that happened today is just too much for her!
"Jane, anak, para ito sa'yo, para sa magandang kinabukasan mo."
Gusto niyang maiyak sa inis. How can her mother be so insensitive? "Mama, kung siya lang rin ang mapapangasawa ko, hindi ko na hahangarin pang dumilat sa susunod na araw!"
"Janina!"
"Mama, para sa inyo rin kung bakit ako tumatanggi. Ayokong magkaroon kayo ng pagkapangit-pangit na mga apo."
Natigalgal ang ina niya sa sinabi. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig buhat sa kanya. "Kahit kailan hindi sukatan ng pagkatao ang panlabas na anyo, alam mo iyan, Janina!" anito ng makabawi. "Mabait si Hercules. Hindi kagaya ng walanghiyang Lemuel na iyon."
"Kung naging masama pa ang ugali niya, talagang wala na siyang pag-asa sa mundo," himutok niya. "At pwede ba, Ma, huwag natin isama si Lemuel sa usapan. Alam kong nag-aalala ka sa'kin pero hindi sa ganitong paraan ako magiging okay. Arranged marriage? Who does that these days? Saka kung sakaling may ipapalit man ako kay Lemuel, iyong mas nakakahigit sa kanya. Mas matalino, mas mabait, mas mayaman, mas maabilidad, mas gwapo. Importanteng mas gwapo, Ma! Pag nalaman nila na si Hercules ang mapapangasawa ko, I'm dead. Pagtatawanan nila ako habambuhay!"
"Janina! Hindi kita pinalaking ganyan!" anang Mama niya na tila aatakihin sa narinig. Alam niyang dapat na siyang maalarma dahil pangatlong beses na siyang tinawag sa buo niyang pangalan pero wala siyang planong bawiin ang sinabi.
Napabuga siya ng hininga. "Mama, I'm just being honest. Hindi ko kayang magpakasal sa mukhang halimaw na iyon."
"Si Hercules lang ang nakikita kong lalaking nararapat para sa'yo, hija. Mabibigyan ka niya ng magandang buhay. At ang pinakamahalaga sa lahat, alam kong mamahalin ka niya at hinding-hindi ka niya iiwan."
"How do we know that, Ma? Ni hindi ako kilala ni Hercules, paano niya ako mamahalin? But even when it's Hercules or other men, hindi pa ako handang makipagrelasyon. Mas hindi ko handang mag-asawa. You're my mother, you should know how I feel! Masyado nang marami ang iniisip ko, Ma, sana huwag na kayong dumagdag pa. Bawiin n'yo ang napagkasunduan ninyo ni Mrs. Mondragon dahil sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang, walang kasalang magaganap. Kung ipipilit n'yo sa akin ang Hercules na iyon, hinding-hindi n'yo na ako makikita pa!" matigas na sabi niya sabay talikod.
"Janina! Bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap!" narinig niyang tawag ng Mama niya pero tuluy-tuloy siyang lumabas ng bahay. Kina Maricar siya magpapalipas ng sama ng loob. Wala siyang planong kausapin ang ina hangga't hindi nito binabawi sa mga Mondragon ang planong pagpapakasal sa kanila ni Hercules.
Palabas na siya sa bakuran nang bumangga siya sa matigas na bulto ng katawan. Napahiyaw siya ng wala sa oras.
"Ikaw?" gulat na tanong niya nang mapagsino ang nabunggo. "Anong ginagawa mo rito?"
"I told you, I wanna talk."
"Didn't we just talk?" aniyang tinalikuran ito at tuluyang lumabas ng gate. Plano niyang iwanan ito pero mabilis itong nakasunod sa kanya.
"I wanna talk about us."
Pakiramdam niya'y umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya't kumukulo iyon. "There's no us! And there will never be an us!" she said on gritted teeth. Bigla nitong kinuha ang kamay niya't hinila siya. Hindi man lang siya nakapalag dahil mabilis siyang pinapasok sa loob ng Land Rover nito. Napasigaw siya sa pagkabigla pero wala siyang nagawa dahil mabilis siyang itinulak nito paloob.
"We need to talk in private." anito na lumulan kasunod niya.
"Let me get this straight, Mr. Mondragon," aniyang dinuro ito. "There's no need to talk because my decision is final. I won't marry you! Sa Tagalog, hindi ko kailanman pinangarap na magpakasal sa katulad mo dahil hindi ko kayang gustuhing makasama ka habambuhay. For obvious reasons! Si Mama lang ang may gusto sa kasalang pinakasunduan ninyo. Kung gusto mo, siya na lang pakasalan mo!"
"Alam ko," mahinahong sagot nito't hinawi ang kamay niya sa pagkakaturo dito. "I accidentally overheard your conversation."
Natigilan siya. Katakut-takot na panlalait ang lumabas sa bibig niya kanina. "E-Everything?" .
Tumango ito. "Everything," anito. There was a glint of amusement in his eyes.
Napaangat ang kilay niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. His reaction is just so odd. Hindi man lang ba ito nasaktan sa nasabi niya? Lalo siyang nainis rito.
"I get it. I'm not your type. But listen to my proposal first. You see, I can give you the life you want."
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Sa kabila ng narinig nito, gugustuhin pa rin nitong ituloy ang kasal?
"No," matigas ang iling niya. "You will only give me nightmares. So please, huwag nating ipilit ang mga bagay na hindi pupwede."
"I need you to be my fiancee," sabi nito na tila hindi narinig ang sinasabi niya. Bumangon ulit ang inis sa dibdib niya.
"Ilang beses ba kitang sasagutin ng ayoko at hindi pwede? Ayoko sa'yo. Ayokong-"
Pinigilan nito ang labi niya ng daliri nito. Napaatras siya nang may kung ano'ng kuryenteng gumapang sa dibdib. Kuryente? Sa pangit na 'to? Ewww!
"Huwag kang mag-alala. Hindi kita type. Maganda ka, pero hindi kita type."
Pakiramdam niya'y umangat ng 180 degrees ang dalawang kilay niya. Tama ba ang naririnig niya mula sa damuhong 'to? May gana pa itong maging choosy?
"I need you to be my fiancee," ulit nito.
"No," sagot niya sabay iling.
"Why not?"
Humugot siya ng malalim na hininga. "I don't do marriage for convenience. Inilalayo lang kita sa pwedeng mangyari. I've seen fake marriages before. And it always end up, couple torturing themselves. Alam ko na ang mangyayari sa atin pag nagkataon. You will fall for me, and I am telling you now, I will never fall for you. Ayokong masaktan ka kaya mas makabubuting huwag mo na lang ituloy iyang binabalak mo."
He looked at her amused. Kumawala ang tawa sa lalamunan nito na tila kanina pa pinipigilan. "I need a fiancee, not a wife."
Bumuka ang bibig niya para tumanggi pero natigilan siya sa sinabi nito. Napahalukipkip na napatitig siya rito. "No wedding?"
Umiling ito. "No wedding."
Napa-isip siya. "And why would I agree to that?"
"Two million pesos. Just pretend to be my fiancee for a month."
Natigalgal siya. Bumuka ang labi pero wala siyang maapuhap na sasabihin. Namilog ang mga mata niya. Two million... WOW. Mas malaki sa premyo sa lahat ng patimpalak na nasalihan niya.
"But why?" tanong niya nang makabawi sa pagkabigla.
"Napasubo ako. I made a stupid bet and now I needed a fiancee," diretsong sagot niya.
"But why me?"
"You're the most beautiful-" Napatikhim ito sa iniwasan ang tingin niya. "the most beautiful girl in town, that's one thing. And call it destiny, but you're part of that bet."
Umangat ang kilay niya.
"My cousin told me that I could not get the woman I love."
"Oh, and I am that woman?" patuyang tanong niya.
"You're his first love," anito. "I want to show him that I could not just get the woman I love, I could also get his. I guess you know what I mean."
Hercules sighed in relief when Jane fell silent and looked at her wide-eyed. Kailangan niyang mapapayag ito. He already planned everything. He's not going to screw things up because of some stupid feelings. All he needed to do is convince her to be his fiancee and stick to the plan.
Hindi lang niya napaghandaan ang sariling reaksyon sa muli nilang pagkikita. Pero sino ba ang hindi matitiyope kay Jane? Sino ba ang hindi maaapektuhan sa taglay nitong ganda? She looked even more beautiful from the last time he saw her. The time when all he ever wanted to do was love her from afar. Hindi niya aakalaing magiging ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya pagkatapos ng mahabang panahon. He had met a lot of women, prettier, sexier and a lot smarter than her. He thought he's completely over her until tonight, when he looked at her and held her hands for the very first time. He felt the same old feeling like a young school boy again.
Gusto niyang umatras sa sariling plano nang maramdaman ulit ang malakas na kabog ng dibdib na tanging si Jane lang ang dahilan. He wanted to back out because he felt at risk now that she's near. He can't let her hurt him again.
Tinawag siya nitong mukhang halimaw. Well, it makes Jane, Jane. Kaya siya nabaliw dito noon. Jane's one-of-a-kind. She's confident. She's honest. She seemed heartless but still, he sees it as being compassionate. He finds her amusing. Her words could cut deep into him and yet, he still finds her amusing.
He'll be throwing two million just to prove he's a better man and he did not expect that he'll be getting his heart battered in the process. But he isn't going to back out. Hindi niya hahayaang manalo ang pinsan na manalo sa pustahan nila. They were drunk one night when Walter taunted him that nobody will ever love him because he looked hideous. Sa inis, nakipagpustahan siya rito. Ipinusta niya ang posisyon niya sa kumpanya. He is the CEO of the Mondragon Group of Companies and he could lose that position over a stupid bet. Pinagsisihan niya ang nabitiwang salita nang bumalik sa tino ang isip pero hindi na niya mababawi iyon. Kaya kahit gaano kalaking halaga, handa siyang magbayad para lang manalo. Now, he's gonna prove to Walter he's wrong. Hindi siya makapaghintay na makita ang mukha nito kapag nalaman nito na ang babaing minsang minahal nito ang siyang mapapangasawa niya.
NAPATITIG si Jane kay Hercules. May kung anong nasaling sa puso niya sa sinabi nito. Seryoso ito. Two million. Oh my God, TWO MILLION! His cousin must've really crushed his ego that he would pay such amount for a month's service. Napatingin siya kay Hercules. She felt sorry for him. She felt sorry that he had to pay just to have her. She felt sorry for herself, too because she really couldn't bring herself to like him.
But two million... that is more than enough to have her own dance studio. She didn't have to put up with Wynona and her puppet. Mabibigyan rin niya ng puhunan ang Mama niya sa kahit na anong negosyo na gusto nitong pasukin. Mapapa-aral niya ang mga pinsan niya. Higit sa lahat mapapamukha niya kay Lemuel na nagkamali ito ng pinili. Marami siyang magagawa sa dalawang milyon! Pero mapapangatawanan ba niyang maging fiancee nito? Iniisip lang niya, napapangiwi na siya.
"Who's he by the way?" naisipan niyang itanong.
"Walter Mondragon. You remember him?"
Walter... Wala siyang maalalang may nakilalang Walter Mondragon.
"He's Wynona's older brother. He was your admirer since first year high school. Paulit-ulit ka niyang niligawan at paulit-ulit mo rin siyang binasted dahil sungki ang ngipin niya."
Muntik na siyang mapatawa sa sinabi nito. Parang naaalala na niya. Oo, naaalala na niya. Ang binatang palaging naka-baggy pants, naka-gel ang buhok at naka-eyeliner para magmukhang emo. Umasim ang mukha niya. He was a bully. And well, bothered nga siya sa sungki-sungking ngipin nito. Kapatid pala ito ni Wynona. Now, that's interesting.
"Naaalala ko na," aniyang napangiti. "Well, he deserved that. But don't you think Walter has forgotten me? I mean, baka masayang lang ang pera mo. Hindi biro ang dalawang milyon."
"First love never dies," sagot nito.
"You believe in that crap?" gusto niyang matawa.
Tumango-tango ito. "Up to now, I'm still in love with my first love. So yes, I believe in that crap."
Umangat uli ang kilay niya. Pinag-aralan ang mukha ng kaharap.
"So what do you say?"
"I'll think about it," aniya.
"And when can I have the answer?"
"When I'm done with my thinking?" sagot niyang hindi maiwasang lakipan ng inis ang tinig.
"Okay." Umangat ang isang sulok ng labi nito sabay iling. "Ihahatid na kita sa pupuntahan mo." prisinta nito.
"No," mabilis na sabi niya. "Sa bahay na ako matutulog."
Nagkibit-balikat ito. "Okay."
Nagpatiuna itong lumabas ng kotse. Inalalayan siya nito hanggang makalabas. Papasok na sana siya ng bahay nang magsalita ito.
"Your mom loves you."
Napalingon siya bigla.
"Natatakot siyang tumanda kang mag-isa kaya sinabi niya kay Mommy. Hindi siya makatulog sa gabi dahil alam niyang umiiyak ka. She knows you will react this way but she wants to give it a try. She wants you to do something else than cry."
Nanubig bigla ang mata niya. Hindi siya makapagsalita dahil tila may bumabara sa lalamunan.
"I just thought you should know. She loves you so much."
"Thank you," aniyang halos hindi lumabas sa bibig. Kinawayan niya ito at dagling pumanhik ng bahay. Then something was triggered inside her. She heard those words before. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. And then she remembered...
Unang nakita niya rito ay noong unang pagbubukas ng pinakamalaking supermarket na pag-aari ng mga ito. Umiiyak siya noon dahil hindi niya makita ang Mama niya sa dami ng mga tao. Binigyan siya nito ng tsokolate para mapatahan siya't hinawakan ang kamay niya at dinala siya sa mommy nito. Hindi siya nito iniwan hanggang sa dumating ang nag-aalalang Mama niya. "She loves you so much." anito nang magpaalam siya't nakatitig ito sa Mama niya. Doon nagsimulang maging magiliw si Mrs. Mondragon sa kanya. Pero simula noon, hindi na niya nakita si Hercules. Kaya nakalimutan na niya ito. Nakikita lang niya ito sa newspapers at magazines nang mag-top ito sa bar exams.
Bakit ngayon lang niya naalala? Hercules was the first person who showed kindness to her. Back then she didn't think if he was ugly. Sinalakay ng konsensiya ang dibdib niya. Gusto niyang mapahiya sa lahat ng nasabi tungkol rito kanina. He must've been through a lot of discrimination. And she just emphasized how sinfully ugly he is. She felt awful.
Naabutan niya ang Mama niyang sumisinga sa tissue. She felt she's breaking apart. Lalo na nang maalala ang sinabi ng binata.
"I'm sorry, Ma," aniya sabay yakap rito. Bigla itong napabunghalit ng iyak at niyakap siya ng mahigpit.