KATULAD ng nakaraang araw, nagmukmok siya sa kuwarto. Simula nang umalis si Hercules, hindi na siya lumalabas ng bahay. Ayaw niyang humarap sa kahit na sinuman. Kumalat kaagad ang balitang iniwan siya ni Hercules dahil nakipagbalikan ito sa ng ex-girlfriend nito. And she's too tired seeing people whispering when she passes by. She felt so sick of it. Ilang beses siyang binisita ng mommy ni Hercules. Nakikiusap na kausapin siya. But she can't give her any explanation how things happened. Kaya hindi niya ito hinarap. Hindi niya kaya. Alam niyang iiyak lang siya. Ayaw niyang makakita ng kahit na anong bagay na nakakapagpapaalala sa kanya ng binata para kahit papaano'y hindi niya maalalang nasasaktan siya. She's trying so hard to forget how much she is hurting. She even stopped dancing. Niyak

