Malikot ang mga mata ni Merlin nang makatuntong na sa taas. Siniguro niyang walang nakakita sa kanya, at kung meron man, sinisiguro niya ring makikita niya. Pero wala namang ano mang kahina-hinala sa paligid niya kaya matiwasay siyang naglakad papunta sa usok na nakikita niya. "Sino naman kayang lapastangan ang naglakas loob na magpunta dito." Habang naglalakad siya papunta sa pinanggagalingan ng usok na nakikita niya sa itaas, muli niyang binalikan sa ala-ala kung paano sila nakagawa ng underground sa bundok na iyon... FLASHBACK "A-anong gagawin natin dito?" tanong ng lalaki kay Merlin habang nakatanaw sa Mt. Danayat. Ngumisi muna si Merlin bago sumagot. "Ikaw ang gagawa," anito. "Ako? Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong ng lalaki. "Gagawa ka ng underground dito. Pero siyempre

