UMIGTING ang panga ni Krieg habang pinapanood ang dalaga na nasa loob ng silid niya. Prente itong naka-upo sa maliit na sofa, hindi kalayuan sa hospital bed kung nasaan siya ngayon. Kunot na kunot ang maliit na noo niya at tutok na tutok ang mga mata nito sa screen ng laptop, paminsan-minsan ay sumusulyap sa papel na nakapatong sa hita niya.
Damn! Mas lalo siyang naging maganda sa paningin ni Krieg. Mas lalo lang siyang na-turn on at naging interesado kay Maris, which is so wrong. Hindi mainam sa katulad niya na magustuhan ito, na magkaroon ng kahinaan lalo na’t sumusunod siya sa yapak ng mga ninuno.
He can’t like her. Ito lamang ang sisira sa magandang kinabukasan niya. And—No! hiyaw niya sa sariling isipan. “I don’t like her. I just want her in my bed, sucking my length, and screaming my name out of pleasure. I’m not attracted, it was my ego talking.” Patuloy niyang kinukumbinsi ang sarili.
He strongly believed that his ego was the reason behind all of it. Natapakan lamang ang ego niya. Nasaktan lamang siya rejection nito at hindi niya natanggap na tinanggihan siya ng dalag sa kama. No woman dared to do that, siya lang.
She’s unbelievable and unpredictable. Teka, hindi naman kaya ay kinulam siya ng dalaga? O ‘di naman kaya ay ginayuma siya?
“Ria,” aniya upang kuhanin ang pansin nito. But as he totally expected, hindi nga siya pinansin nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya batid kung si Ria nga ba siya o si Neri, o gawa gawa niya lang ang parehong pangalan na iyon.
“Ang seryoso mo naman. Ano ba ‘yang ginagawa mo?” usisa niya.
Dumagdag lamang sa kanyang makamandag na alindog ang pagiging seryoso ng mukha. Hindi ito nakakasuyang tingnan. In fact para siyang hinehele sa tuwing nakikita ang mala-anghel niyang mukha.
Ang ibang babae ay nakakasawa ang mukha. Sa unang tingin ay maganda at kaakit-akit ngunit kapag tumagal na ay nakakasuya na. Habang tumatagal ay pumapangit na sila at hindi na pumapasa sa panlasa ni Krieg. Pero si Maris, habang tumatagal ay mas lalo lamang siyang hinahangaan ni Krieg.
“Kumurap ka naman,” puna niya. Muli, hindi siya pinansin nito. Anak ng teteng!
She’s totally ignoring him. Palihim niyang hiniling na sana ay magkaroon siya ng panandaliang kapangyarihan. Isang abilidad na makabasa ng utak. In that way, malalaman niya ang tumatakbo sa isipan ni Maris, upang mabasa niya ito.
“Uy, Ria!”
“What?” hindi siya tinapunan ng tingin ni Maris. Nanatili itong seryoso at tipa nang tipa sa keyboard. Mabilis ang kamay niya. Halos hindi na ito masundan ng binata.
Paano kaya ang performance ng kamay niya sa kama? He gulp. Nakaramdam siya ng pawis sa gilid ng noo. Naiisip niya pa lang na mabilis kumikilos ang kamay nito habang nilalaro ang aktibo niyang ibon. F-ck! Puro na lamang mahalay ang naiisip niya sa tuwing naiisip o nakikita niya si Maris.
Ah! He will make sure to get laid tonight. Makalabas lang siya sa Ospital ay iraraos niya ang katas sa punla ng ibang babae. He needs a release. Marami ang nababaliw at naghahabol sa kan’ya, hindi kawalan si Maris. But f-ck! His body was telling the opposite!
“Ria,” he uttered using his sweetest voice.
“Ano ba!” singhal ng dalaga.
“Kapag kumurap ka, akin ka.”
Laglag ang panga niya ng hindi kumurap ang dalaga. Natiis niya iyon ng ilang minuto. O baka naman kumurap na ito kanina pero hindi niya lang napansin dahil sa sobrang bilis.
Ngumisi siya. “Kapag hindi ka kumurap, akin ka pa rin.”
Kamuntik na siyang malaglag sa kama nang masaksihan niya ang mabilisang pagkurap ni Maris. Sa sobrang bilis non ay halos hindi na niya namalayan. Good thing he had a sharp eyes. Kahit mabilis ay napansin niya pa rin. He can’t be mistaken. Siguradong sigurado siyang kumurap ito.
“Kumurap ka!” histerikal niyang saad. “Kumurap ka kaya akin ka na,” ngising aso niyang dagdag.
Umarko ang kilay ng dalaga pero hindi sumambit ni katiting na salita. Hinayaan na lamang niyang umakto na parang limang taong gulang na bata si Krieg. He’s annoying but on the other side of the table, he also gives chills to her. Parang ngayon, nara-rattle siyang tapusin ang paper dahil sa deadline pero heto’t bigla na lang siyang naging kalmado nang magsalita si Krieg. Weird but she’s still thankful.
Bukod kay Regor, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kasa-kasama o kaibigan. Ka-vives niya naman ang lahat ng kaklase at close din siya sa mga ito. In fact, siya pa nga ang Presidente sa klase. But that closeness wasn’t enough to consider them as her friend.
Para kay Maris, malalim ang depinasyon ng kaibigan, na hindi porke’t close kayo ay pwede mo na siyang matawag na kaibigan. No. Being friends with someone else is just like being committed to your boyfriend or girlfriend. Mayroon kang responsibilidad bilang kaibigan niya, at hindi lang kaibigan sa salita.
Marami naman siyang nakilala at sumubok na pumasok sa buhay niya, but all of them failed. Sapat na kasi si Regor e; he’s all that she is looking for. Hindi na rin naman siya naghanap dahil kahit may gap ang building at schedule nila ay ginagawan nila ng paraan. Parang BDO lang, they find ways.
‘Yung iba naman niyang nakilala, kinaibigan lang pala siya para mapalapit kay Regor. Hindi siya gwapo pero malakas ang dating niya dahil sa mala-Robin Padilla niyang pormahan. Mabuti na lang at walang dress code sa School, nasita na sana siya nang paulit-ulit. Ang ilan naman ay kinaibigan siya para maging sagot ng source.
Natawa siya ng maalala ang isang kaklase. Talagang tinabihan siya nito sa Creative Writing at ginawang living dictionary at Google translator
“Please talk,” paki-usap ni Krieg. “I just want to hear your voice. Kahit isang salita lang.”
“Tsk.” aniya’t umirap.
“Ang tipid naman!” reklamo ng binata na tila walang kapagod-pagod sa pananalita. “Kuripot ka rin siguro sa pera, ano?” panunudyo niya.
“Hindi ba nauubos ‘yang laway mo kakadada riyan ng kung anu-ano?”
Napantig ang dalawang tainga ni Krieg. Abot langit na ‘ata ang ngiti niya nang muling marinig ang mala-anghel na boses ni Maris.
“Unlimited ito, Ria, basta’t para sa ‘yo! Kung tutuusin ay kayang kaya pa nga kitang basain, iyang buong katawan niyo.” pilyo niyang saad na may kasamang ngisi.
She crumpled a paper and then threw it directly to his. It landed directly on his face. “Puro na lang kalaswaan ang lumalabas sa bibig mo.”
“Hey, hey!” Itinaas niya ang dalawang kamay. “I didn’t say anything wrong, okay? You’re the one who’s thinking something wild, I guess. So tell me, Ria, what are you thinking?”
“Wala!” padarag niyang tugon.
“Hmm. Yes, love?”
“Wala. Pumirmi ka nalang diyan sa kama mo.”
“I will....” tipid siyang tumango. “kung tatabihan mo ako.”
“Okay.” Ibinagsak ni Maris ang laptop at papel sa sofa. Tamad siyang tumayo at diretsong tinungo ang direksyon ng binata.
Paulit-ulit na lumunok si Krieg ng tumayo sa mismong tapat niya ang dalaga. At dahil naka-upo si Krieg at matangkad siya, nakatapat ang dibdib ng dalaga sa mukha niya.
“S-sigurado ka?” utal niyang tanong at saka napalunok ng mariin.
Damn. Hold your grip man! Hindi na maalis ang mata niya sa matatayog niyang bundok. It was very tempting; so hard to resist. It was like her breasts were inviting him a taste. At ito naman siya, natatakam ngang tumikim.
“Heads up, pervy boy.”
“W-What?”
Lihim na natawa si Ria. Mga lalaki nga naman, masyadong hayok tumikim sa potahe. Pulang-pula ang buong mukha niya, lalo na ang tainga at leeg niya.
“Heads up,” ulit niya. Hinawakan niya ang baba ni Krieg at pwersahan itong inangat. Ngumisi siya nang magsalubong ang mata nila. He looks tense, and his face was red as ripe tomato. “Dito sa taas ang tingin. Nasa mukha ko ang bunganga ko, wala sa dibdib ko.”
He faked his cough and diverted his gaze. Kung saan saan na dumadapo ang mata niya huwag lamang masagi ang tingin sa bundok ng dalaga.
Naramdaman niya ang paglubog ng kama. Tila napako siya sa kinauupuan dahil humiga nga si Maris sa kanyang tabi. He wasn’t expecting her to lay down on his bed. He wasn’t expecting this to happen. Kung alam niya lang edi sana ay napaghandaan niya.
“O, hindi ka hihiga?” panunukso si Maris. Sa loob loob niya ay nahihiya rin siya sa ginagawa. Kusang kumilos ang katawan niya. Her body system worked like a pro! “Akala ko ba pipirma ka lang kapag katabi mo ako?”
He faked his cough again and slowly lay beside her. He tried to compose himself and stay calm, but he failed to do it. Bigla nga rin siyang na-conscious sa itsura niya; do he looks fine, mabango ba siya, may muta ba siya, o may tulo ng panis na laway. He don’t know. He can’t understand himself either.
Pakiramdam niya ay lagi siyang nawawala sa huwisyo sa tuwing nakikita niya o nasa paligid si Maris.
“Uhm, I was just kidding earlier,” panimula niya. Hanggang ngayon kasi ay namumula pa rin ang buo niyang mukha. “I...I don’t—“
“Shh! Katabi mo na nga ako sa kama kaya please, pumirmi ka na.”
“Ano k—“
“Please, Krieg?” she pleaded using her most sweetest voice. Gusto na niyang masuka sa ginagawa. Paano niya naman matatapos ang term paper kung heto siya’t gumagawa ng kababalaghan.
“Uhm, okay.” tugon niya’t hindi pa rin mapakali. Hindi naman siya ganito sa iba. He is in a real s**t and was acting like a gay. What happened to him? He wasn’t the same Krieg that his parents raised him to.
Bigla siyang nagbago dahil lang sa isang tao na nakilala niya noong isang gabi lang. She changed him in an instant.
“Inaantok ako,” halos pabulong na lang niyang saad. “Iidlip lang ako saglit. Do me a favor, will you?”
“What is it?”
“Pakigising ako limang minuto bago mag-alas onse.”
“Okay,” he almost whispered.
Kung gaano kabagal gumalaw ang kamay ng orasan ay ganoon naman kabilis ang t***k ng puso niya. He really do needs to consult a Cardiologist, baka bigla na lang siyang ma-high blood. Paano na ang mana niya?
Nagmistulang bato si Krieg sa kama. Sa buong oras na iyon, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang huminga ng malalim, bumuntong-hininga, kumurap, at titigan ang puti’t halos inaamag ng kisame.
Dahan dahan siyang bumangon at umalis sa kama sampung minuto bago mag-alas onse. Minasdan niya ang payapang mukha ni Maris habang natutulog.
He was about to touch her hair when she moved a bit. Kumamot kamot ito sa leeg kaya naman mabilis niyang binawi ang kamay. Mas mabilis pa sa kidlat siyang dumiretso sa maliit na sofa at inayos ang gamit ng dalaga.
He took a glance at her laptop to check what’s keeping her busy earlier. He sat down with a smirk in plastered within his face as he continued what she was doing.
Naalimpungatan si Maris dahil sa kati ng kanyang leeg. Kanina pa niya iyon kinakamot. Ang hula niya ay may kiti-kiti sa unan ni Krieg.
“Hoy! Anong ginagawa mo?” Muntik na siyang mahilo dahil sa biglaang pagbangon sa kama. Taranta niyang inagaw sa binata ang mga gamit.
“Hey, be careful.”
“Be careful my face. ‘Di ba’t sabi ko sa ‘yo gisingin mo ako limang minuto bago mag alas onse, ha?”
“Yes—”
“Malinaw naman pala sa ‘yo ang bilin ko, pero bakit hindi mo ginawa? Anak ng teteng ka!” Malayo-layo pa ang distansya ng Ospital na ito sa pinapasukan niyang eskwelahan. Mailap pa naman ang jeep sa parte na ‘to. Hindi niya afford ang taxi dahil mahal maningil ang mga drayber; minsan ay dinadaya pa ang metro.
“First, I’m sorry. Second, I don’t want to disturb you. Lastly...” ihinarap niya kay Maris ang screen ng laptop. “I did your paper. You owe me a date for that. Panigurado mabibilib sa content mo ang professor niyo.”
“Tarantado ka!”
Nanlaki ang mata ni Maris nang makita niyang tapos na nga ang paper niya. Maganda ang content, walang butas, at pulido. Honestly, she didn’t expect that he can be this good at writing!
“You’re welcome,” mapait niyang saad.