It’s already February, buwan na ng mga puso. Pinaghahandaan na nila ang Valentine’s day dahil may gaganaping event sa school. After that, finals na namin. Ang bilis ng panahon, malapit na kaming grumaduate. Madami na talagang nagbago. Gano’n din yata ako dahil wala na akong pakialam sa mga nangyayari sa bahay. Inaasikaso na rin namin ni Mama kung saan ako magco-college. Ilang buwan na akong tutok na tutok lang sa pag-aaral. Mag entrance exam pa kasi ako sa ibang school. Tatlong universities ang pinagpipilaan namin ni Mama, baka nga siya na lang ang pumili kung saan ako papasok kapag napasa ko lahat ‘yon. Tapos na ako sa UP at DLSU. Isa na lang, ACET which is sa Ateneo. “How’s your exam?” ani Mama pagpasok ko sa sasakyan. Sinamahan niya ulit ako para sa huli kong entrance exam. Nang

