Nandito na ako sa burol. Hindi ulit ako pumasok sa school para kay Thelia. Hapon na, nandito pa rin ako kasama ang mga magulang niya. Dumadami na rin ang mga taong nakikiramay. Wala pa akong maayos na tulog magmula no’ng malaman ko ang nangyari kay Thelia. “Thelia!” Bumuhos na ang luha sa mga mata ko nang makita ang maputlang katawan ni Thelia. Madaling araw na nang makita ang katawan niya sa ilog na palutang-lutang. No’ng una hindi pa ako naniniwala, ngunit nang makumpirma na mismo ng mga mata ko tuluyan na akong nanlumo at napaluhod na lamang sa harap ng bangkay ni Thelia. “Thelia!” pagtawag ko muli sa pangalan niya, umaasang magigising pa siya sa boses ko. Ngunit, sinabi nilang hindi na ito humihinga. Hindi rin nila ako hinahayaang makalapit sa kanya. Ang Ina niya ay niyakap na la

