“Alysha, anak?” Napadako ang mga mata ko kay Mama na nasa likuran na ni Owen. Kaagad ko namang itinabi si Owen sa akin. Bakas din sa mga mata niya ang pagkagulat dahil sa biglaan kong pagkakahila ng kamay niya. Mamaya na lang ako magso-sorry dahil nabigla rin ako sa pagpapakita ni Mama. Patay talaga ako nito! Galit pa rin ba si Mama sa ‘kin? Parang hindi na. Nasa loob kaya si Papa? Kung ano-ano na naman naiisip ko, ahk! “Alysha?” pagtawag muli ni Mama sa ‘kin dahilan para makabalik ako sa katinuan. “Mom…” bahagya kong hinawakan si Owen sa balikat. “Si Owen po, kaklase ko,” pagpapakilala ko sa lalaking katabi ko. Bahagya namang napayuko si Owen. “Good evening, Ma’am.” Tila lumiwanag naman ang mga mata ni Mama. “Oh, siya na pala ‘yon. Hello, iho. Kumusta ka? Tita na lang ang itaw

