Pagkalabas ko sa milk tea shop ay tumakbo ako patungo sa malapit na restroom para lang makalayo sa kanila. Nagtago ako sa dulo ng cubicle at doon pinakalma ang sarili. Marahan kong hinahagod ang dibdib ko habang humihinga nang hinga hanggang sa humupa ang bigat at kasuka-suka kong nararamdaman. Hindi ko na rin napigilang maluha, tuluyan nang bumuhos ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Those flashbacks are haunting me again. Hindi ko akalain na makikita ko ulit sila, kung nandito sila ibig sabihin ang lapit-lapit na lang nila sa amin. Alam ko namang may pagkakataon na maaari ko ulit silang makita e, sadyang biglaan lang. Hindi man lang ako binigyan ng babala. Nakakainis, ilang taon na ang nakalipas pero dala-dala ko pa rin ang mga ginawa nila sa ‘kin. Napagtanto kong hindi pa talaga a

