CHAPTER 50 - PART 4 Julian's POV Hinihintay ko na si Alysha sa waiting shed dahil ngayon na kami kakain sa labas nang mapansin ko na siya mula sa hindi kalayuan. Napabuntong-hininga na lamang ako nang mamukhaan kung sino na naman ang kasama niya. Ang gagong ‘yon, palagi ko na lang nakikitang nakadikit kay Alysha. Kaya naman lumapit na ako sa kanila. “Babawi lang ako sa kanya kasi—” natigilan na lang siya sa pagsasalita nang akbayan ko siya. Pagtingin niya sa ‘kin ay napangiti na lang ako dahil kanina lang napaka-seryoso niya. Nang makita niya na ako, nawala na ang pagkakunot nang noo niya. “Hi,” sabi ko at ibinaba ko na ang kamay ko. Pagbaling ko nang tingin kay Owen ay masama na ang tingin niya sa ‘kin na para bang mapapatay niya na ako. Kaya naman sinamaan ko rin siya nang tingin

