“Tangina, connected pala ‘yong last activity sa activity this week? Eh, hindi ko pa nga nagagawa ‘yon!” bahagya akong natawa sa pagkabigla ni Drake. Ang lutong pa ng mura. Kasama namin siya ngayon dahil nagpapaturo siya sa ‘kin. Sa totoo lang, matalino siya. Na-gets niya kasi agad ang sinabi ko. Nalaman niya pang connected ‘yong activities na ipinapaliwanag ko. Nandito kami sa student lobby, isa rin sa mga lugar na p’wede naming tambayan. Nasa iisang malaking table kami dahil ang dami namin. Air-conditioned pa kaya mas madaming tao rito at p’wede pang mag-ingay. Dapat sa library kami pero dahil kasama ko sila Sofia, Drake, at Sharla, naisipan ko na dito na lang kami gumawa ng activity para p’wede pa rin sila makapag-ingay. Sa bibig pa naman nilang hindi mapirmi? Mapapaalis talaga kami sa

