For the second time, someone confessed to me. And from that moment, I knew that Julian was sincere about loving me. Or is it just me? Naging maganda ang umaga ko dahil bukod sa umamin siya, umamin na rin ako tungkol sa nararamdaman ko. Dahil do’n, gumaan na ang pakiramdam sa kalooban ko. Hindi ko na kailangan itago ang nararamdaman ko, malaya ko na itong maipaparamdam kay Julian. Sa totoo lang, may namumuo pa ring takot sa ‘king sarili, ngunit pinagkatiwalaan ko pa rin si Julian. Pinanghahawakan ko na lang ang mga mabubuting ginagawa niya para sa ‘kin. Sapat na siguro ‘yon at saka kagustuhan ko na ‘tong ipagpatuloy ang nararamdaman ko. Siya na rin ang nagsabi, nililigawan niya na ako. Tama na naman si Thelia, p’wede na talaga siya maging manghuhula. Paniguradong matutuwa na naman siy

