Halos lahat ay busy na dahil sa preparasyon ng Intramurals. Balita ko rin ay makakasama namin ‘yong mga college students na nasa kabilang department at building. Isa sila sa mga magiging audience namin since mauuna ang exam nila kaysa ang event nila. Nalaman ko lang naman kay Sharla ‘yon dahil ‘yong crush niyang college student ay sinabi sa kanya. In fairness, may progress na sa love life niya. Palagi niya pa namang nakukwento sa ‘min na baka crush na siya ng crush niya dahil sa ginagawa niyang pangungulit. I am happy for her. Magtitino na ‘yon kapag nagkajowa na, matatawa na lang talaga ako kapag nangyari ‘yon. Kasalukuyan nang nagpa-practice ang mga kaklase kong representative sa mga palaro, training kumbaga. Si Demitri at Julian ay nasa auditorium na rin para sumama sa iba pang mga

