HINDI makatulog si Saphira kinagabihan ng araw ding iyon. Iyon ang unang gabi niya sa Hardin kasama ang mga taong pinaalis ni Kanor sa tirahan ng mga ito. Hindi siya sanay sa matigas na higaan. Lalo at nararamdaman niya ang tigas ng lupa sa kanyang likuran. Sa ilang araw niyang paninirahan sa isang maliit na apartele sa kabilang Sitio habang nag-iisip siya ng hakbang sa paghihiganti kay Kanor ay nakakatulog pa rin naman siya kahit papaano dahil kahit manipis ang foam na gamit sa kama ay may lambot pa rin iyon. Pero mukhang hindi kakayanin ng katawan niya ang matigas na lupa lalo na at karton at manipis na sapin lamang ang hinihigaan niya. Hindi niya sigurado kung bukas ay magkasakit na siya dahil pinasok na ng lamig ang likod niya. Niyaya siya ni Kiray na tabihan niya ito. Bumalik ang ba

