"ANONG sinabi niyo?!" muntikang malaglag si Ludgi sa silyang kinauupuan nito. Pinigilan ni Saphira ang tumawa ng makita ang nakakagulantang nitong reaksiyon. Nanlalaki ang mga mata nito sa dalawang kapatid. Kampante lamang siyang nakaupo sa single sofang iyon na amoy alimuom na at isang manipis na tela lang ang nakatakip para pwede pa ring upuan. Naroon pa rin sila sa lumang kubo na pinagdalhan sa kanya ng tatlong lalaki na napag-alaman niyang magkakapatid. Hindi na siya umalis doon dahil pinanindigan na niya ang sinabi kanina sa mga kapatid nito na pormal na nagpakilala na sa kanya. Nalaman na niya ang tunay na pangalan ng mga ito at kung sino talaga ang mga ito pagkatapos ng isang mahabang salaysay na pinakawalan niya sa dalawang magkapatid kanina. Hindi siya iniwan ng dalawa habang wa

